Salamin at Arinola, mga mahalagang gamit sa negosyo

Kung mayroon kang negosyo tulad ng stall, tindahan, karinderya o anumang negosyo, huwag na huwag mo ito hahayaang malasin. Kaya, huwag na huwag kang magkakamaling magpautang sa umaga o kaya ay sa unang customer dahil buong araw na mamalasin ang iyong negosyo. At sa artikulo natin ngayon ay ibabahagi ko ang ilang mga bagay na talaga namang makapagbibigay ng suwerte sa’yo negosyo.

Ang matamis na ngiti ay isang aksyon na makapagbibigay sa negosyo mo ng suwerte. Kapag kasi maganda ang aura ng tumatao sa iyong ngosyo ay siguradong susuwertehin ka dahil nagagawa niyang tawagin ang suwerte. Kaya naman, huwag na huwag kang kukuha ng tauhan ng nakasambakol ang mukha dahil sinisiguro ko sa’yong mamalasin lang ang iyong negosyo. Importarteng ang kukunin mong tauhan sa negosyo ay iyong may mataas na moralidad. Kung halimbawang ang kinuha mong tauhan ay isang kabit, asahan mong pati ang negosyo mo ay masisira.

Sa pagnenegosyo ay mahalaga ang salamin at arinola dahil talagang makapagbibigay ito sa’yo ng suwerte. Ang arinola ay dahil sa sinisimbulo nito ang dumi ng tao na karaniwan nating inilalabas sa paggamit ng arinola. Suwerte raw iyon dahil kumakatawan ito sa paghihirap at tagumpay ng tao. Kaya makabubuting ang arinola ang lalagyan mo ng pera. Ito ang magsisilbing kaha mo.

At para mas suwertehin ka, kailangan ang takip ng arinola na nakaturo sa lalagyan ng pera ay makabubuting lagyan mo ng salamin. Sa pamamagitan daw kasi nito ay dadami pa ang iyong kita dahil nga ang salamin ay ginagamit para makita ang iyong repleksyon. Samakatwid, dudoble pa ang kita mo sa bawat araw.

Ayaw mong maniwala? Bakit hindi mo subukan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here