Saan Dapat Napupunta ang 13th Month Pay Mo?

Palapit na ang Christmas Season at naiisip nanaman natin ang mga gastos na paparating. Sabi ng ibang tao, isang beses lang sa isang taon ipinagdiriwang ang Pasko at dapat wag na mangamba kung mauubos ang pera. Para sa akin, mali ang ganitong pag-iisip. Mali na iniisip ng lahat na ang Christmas ang excuse nila para ubusin ang kanilang pera. Basahin ang tips na ito para mas maintindihan ninyo ang point ko:

  1. Hindi mo obligasyon na bigyan ng pamasko ang mga inaanak mo

Tandaan na ang pagkakaroon ng inaanak ay hindi rason para magbigay ka sa kanila ng pera o laruan tuwing may okasyon. Ang pagiging ninong at ninang ay para maging gabay ka sa kanila pangalawa sa kanilang mga magulang.

  1. Ang Pasko ay tungkol kay Hesus at hindi sayo

Hindi mo birthday kaya hindi mo obligasyon magpakain ng sanlibutan. Kung gusto mo talagang ipagdiwang ang Pasko, magdasal ka, huwag kang gumastos.

  1. Hindi mo kailangan ng maraming handa

Okay lang na magluto ka nang maraming pagkain, pero hindi mo kailangan gumastos ng sobrang laki para lang maging masaya ang tiyan mo.

  1. Hindi mo rin kailangan bumili ng sobrang daming bagay

Tandaan mo, the more you spend on your wants, the more you forget the real meaning of the season. Ang dami mong gusto bilhin, tapos ang mangyayari sa huli ay wala ka nang panggastos pagdating ng bagong taon. Huwag masyadong ma-excite. Pasko at Bagong Taon ay para kay Hesus at sa bagong taon, kaya wag kang magpabida sa paggastos.

So saan dapat napupunta ang 13th month pay mo?

Sa bangko, o sa savings mo. Huwag mong i-correlate yung season ng Pasko o kapanganakan ni Hesus sa season ng kapitalismo. Don’t let the big brands get all your money in the guise of celebrating the Christmas season. Nakakalungkot isipin na marami na sa atin ang nakakalimot nito. Pasko na at dapat, si Hesus ang una sa listahan natin. Pangalawa, ang ating pamilya. Walang masama kung magluluto tayo ng maraming pagkain o di kaya ay magcecelebrate tayo at magpasalamat sa Diyos, pero tandaan, ang season na ito ay dapat si Hesus ang bida!

Ang nangyayari kasi parang kunwari nagbirthday ang anak mo, tapos lumabas kayo ng mga amiga mo para magcelebrate sa ibang lugar. Pero, iniwan mo sa bahay ang anak mo. Parang ganun tayo pag Pasko. Mas gugustuhin natin magcelebrate na lang kaysa alalahanin si Hesus.

Ang 13th month pay mo ay pinaghirapan mo, kaya wag mo basta bastang ubusin para next year, may madudukot ka pa.

SHARE
Previous articleThe Scorpio Woman
Next articleAno ang Pagbabago ng Kasarian?
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here