Sa kamay ng kanyang amo

0
1511

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Nang magpunta ako sa abroad noon, wala akong ibang gustong gawin kundi kumita para magkaroon ng magandang kinabukasan si Glaiza ngunit may mga pagkakataon na hindi natin inaasahan. Maaaring sa pamamagitan noon ay maging okay ang aming buhay. Hindi ko naman nais magkaroon ng magarbong pamumuhay. Tama na sa amin iyong kumikita ako ng sapat. Ang nais ko lang naman ay makatagpo ng mabait na employer at masasabi ko ngang mapalad ako. Pero, ang kapalaran ko ay hindi tulad ng iba.

Maaari ngang mayroong nagkakaroon ng mas magandang buhay kaysa sa akin pero mayroon namang iba na nagkakaroon ng miserableng buhay. Katulad na lamang ng isa kong naging kaibigan sa pakikipag-chat. Nabasa kasi niya ang aking mga sinusulat at in-add niya ako. Sabi niya, gusto niyang ibahagi sa akin ang kanyang kuwento.

Tatlong taon na ang nakakaraan ng magpunta siya sa Hongkong. Tulad ng iba, pinili niyang mamasukang katulong kahit na nakapagtapos naman siya ng pag-aaral. Napakaliit kasi ng kita niya sa banko samantalang kung siya ay mamamasukang katulong sa Hongkong, maaari pa siyang kumita ng kinse mil. Kaya naman, sinunggaban na niya ang oportunidad na iyon. Kahit naman kasi single siya, mahal na mahal niya ang kanyang pamilya. Ang kanyang mga magulang at tatlong kapatid. Ibig niyang maiahon ang mga ito sa kahirapan.

Shiela nga pala ang kanyang pangalan, 24 years old siya noon. Dahil walang ibang nananahan sa kanyang isipan noong panahon na iyon kundi matulungan ang kanyang pamilya, hindi siya nakipagrelasyon man lang. Ang hindi nga lang niya inasahan ay sa pagpunta niya sa Hongkong mapipitas ang kanyang pagkababae. Hinalay siya ng amo niyang lalaki. Gusto sana niyang magsumbong sa amo niyang babae pero duda siya kung paniniwalaan siya nito. Nakikita rin niya kung gaano nito kamahal ang asawa kaya tiyak niyang siya rin ang mapapahamak.

Mahal niya ang kanyang buhay pati na rin ang kanyang pamilya kaya gusto niyang isalba ang kanyang hininga at magagawa lang niya kung kung magiging sunud-sunuran siya sa amo niyang lalaki. Ginawa siya nitong sex slave. Ayaw niya pero nagtiis siya hanggang sa matapos ang kanyang kontrata. Kaya naman noong makarating siya sa Pilipinas ipinangako ni Shiela na hinding-hindi na siya aalis sa Pilipinas.

Sabi ni Shiela, kahit ilang taon na ang nakalilipas, nananatili pa rin sa kanyang isipan ang masamang pinagdaanan niya. Parang hanggang ngayon ay naririnig pa rin niya ang pagbabanta ng amo niyang, ‘sex or I’ll kill you’. Nakakaramdam pa rin niya ng pandidiri sa kanyang sarili kapag naalala niyang halik, yakap at pag-angkin nito sa kanya. Hindi pa rin niya mapigilan ang ‘di mapahagulgol sa labis na pagkaawa sa sarili kapag humaharap siya sa salamin. Alam niya kasing kahit anong ligo ang gawin niya ay hindi na siya tulad ng dati.

Hay naku, mga Katsismosa, sadya nga talagang nakakatakot makipagsapalaran sa ibang bansa. Kaya, kung okay naman ang buhay mo rito, manatili ka na lang sa ating bansa. ‘Yon nga lang, napakamahal na ng bilihin dito tapos mababa pa ang sahod. Sana naman ay maayos din ang laging pinuproblema ng bawat Pilipino — ang matinding kahirapan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here