Rules Para sa Mapayapang Pagsasama

0
110

Sa panahon ngayon, mas praktikal na ang pagsasama ng mga mag-partner imbis na magpakasal o mamuhay ng magkabukod. Kung kayo ay nag-iisip na tumira sa isang bubong, narito ang ilang bagay na dapat ninyong alalahanin:

1. Maghati sa gawaing bahay. Dito sa Pinas, karamihan ay naniniwala pa rin na ang ilaw ng tahanan ang dapat na gumagawa ng gawaing bahay. Kung ikaw ay naiiwan sa bahay habang ang iyong partner ay nagtatrabaho, natural na sa usapan na ikaw ang sasalo nito. Pero kung pareho kayong kumikita at parehong nagpapagod sa trabaho araw araw, dapat ay pareho din kayong kumikilos sa loob ng bahay. Hindi makatarungan na ang babae pa rin ang kikilos kung siya ay nakikihati sa inyong gastusin. Maraming bagay na pwede ninyong pag-awayan sa inyong pagsasama, ang gawaing bahay ay hindi dapat pagsimulan nito.

2. Huwag magsigawan. Hindi maiiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa mga magkarelasyon. Subalit kahit gaano ka na kagalit sa iyong partner, iwasan na pagtaasan ito ng boses. Kung mataas pa ang emosyon ninyong dalawa, hindi masama na bigyan muna ng space ang isa’t-isa hanggang sa pareho na kayong kalmado. Kung hindi ninyo kayang pag-usapan ang isang problema na hindi nagsisigawan, idaan ito sa pagtext o e-mail kahit pa magkatabi lang kayo sa sofa. Sa ganitong paraan, maiiwasan ninyo ang pagbatuhan ng masasakit na salita. Mas nakakatulong din ito na mapag-isipan muna ang inyong sasabihin at magkaroon ng lohical na pagdiskurso.

3. Huwag gawing manghuhula ang iyong partner. Kung may gusto ka o may kailangan ka mula sa kanya, kailangan mo itong sabihin. Kahit na simpleng bagay tulad ng kung gusto mo ng good morning pagkagising araw araw. Hindi sapat na rason ang “dapat alam niya na iyon” dahil hindi lahat ng tao ay parepareho. Puwedeng nakukuha niya ang mga hints mo, pero pwedeng wala siyang alam na nagpaparamdam ka na pala. Kung hindi mo sinabi ang isang bagay na ineexpect mo wala kang karapatan magalit kung hindi ito nabibigay saiyo. Samantalang kung malinaw mong napapaliwanag ang mga inaasahan mo, magiging mas masaya ka kung makukuha ito at hindi maguguluhan ang iyong partner kung nagtatampo ka tungkol dito.

4. Huwag gawing biro ang break up. Napakaraming tao ang ginagawang sagot ang pakikipaghiwalay sa tuwing may problema. Minsan dahil lang ayaw ipaglaban ang relasyon, at minsan naman ay bilang panakot kapag hindi nakukuha ang gusto. Kung naghihiwalay kayo tuwing may maliit na problema, hindi magkakaroon ng matibay na pundasyon ang inyong pagsasama. Isang sitwasyon lang ang katanggaptanggap na paggamitan ng break up at ito ay kapag gusto mo na talagang makipaghiwalay.

5. Maging matalino sa pera. Kahit na gaano kayo nagmamahalan, importante na protektaha ang inyong sarili lalo na pagdating sa pinansyal na aspeto. Kapag kayo ay nagsasama, natural lamang ang paghahati pagdating sa pera at gastusin. Tulad ng gawaing bahay, dapat ay pantay na pagbabahagi din pagdating dito pwera na lamang kung kayo ay may ibang bagay na dapat isaalang alang tulad ng anak o kung may isa sainyo na hindi nagtatrabaho. Huwag iasa ang gastusin sa isang tao lamang. Ang budget ay dapat nakasalalay sa kita ng taong may mas mababang sweldo para masiguro na hindi siya gumagastos ng lagpas sa kanyang kakayanan. Tandaan, hindi pa kayo protektado ng batas kung magkaroon ng hiwalayan kaya maging maingat sa tungkol dito. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here