ROSEHIP OIL: BAKIT MO ITO DAPAT ISAMA SA IYONG SKIN CARE ROUTINE?

702

Mia Salonga

MIA SALONGA studied professional makeup and worked as a nurse in a dermatological center. She is also a romance writer and is currently training to become a scriptwriter. She hopes to one day see her written work come alive on the small or big screen.

Ang rosehip oil ay nagmula sa buto ng specific variety ng rose, ang Rosa aff.rubiginosa o Rosa moschata, ang prutas na naiiwan matapos mamulaklak ng rosas at natanggal na ang petals nito. Mayaman ito sa vitamins, antioxidants at essential fatty acids na nakakabuti sa ating balat. Ang mga sumusunod ay ang mga dahilan kung bakit dapat mong isama ang rosehip oil sa iyong skin care routine:

ANTI-AGING BENEFITS

Ang anti-aging benefit ng rosehip oil ay mula sa antioxidants at abilidad ng oil na ito na maka-penetrate sa malalim na layers ng balat. Ang vitamin C na matatagpuan sa rosehip oil ay nakaka-stimulate ng collagen production. Nakaka-reduce din ito ng fine lines at wrinkles.

STRETCH MARKS AT SCAR TREATMENT

Ang essential fatty acids at vitamins sa rosehip oil ay nakakatulong sa pagha-hydrate ng damaged skin. Ang fatty acids na ito ay tinatawag na emollients na nagi-improve ng permeability at flexibility ng skin. Ang vitamin A na nasa rosehip oil ay nakakatulong sa paggaling ng scar at skin regeneration. Ang rosehip oil ay mayroon ding anti-inflammatory properties na nakakatulong sa pagpe-prevent ng infections.

ULTRAVIOLET RAY PROTECTION AND REPAIR

May kakayahan din ang rosehip oil na labanan ang damage na dulot sa balat ng UV rays ng araw. Mayroon kasi itong antioxidants na lumalaban sa free radicals na responsable sa photo aging. Ang essential fatty acids kasama ang vitamin A ay nakakatulong sa page-enhance ng skin texture, tone at pigmentation.

SKIN BRIGHTENING

Ang astringent properties ng rose hip oil ay nakakatulong sa pagta-tighten ng pores at pagba-brighten ng skin. Maglagay lang ng konting patak sa iyong balat bago matulog.

EVENING OUT SKIN TONE

Ang model na si Miranda Kerr ay avid user ng rosehip oil. Ginagamit niya ang rosehip oil gabi-gabi para pantayin ang kanyang skin tone at gawin itong flawless.

Para sa mga may sensitive skin na gustong pantayin ang kanilang skin tone, mas safe gamitin ang rosehip oil kaysa lemon juice. Ipahid lamang ang konting patak ng rosehip oil sa inyong malinis na balat sa umaga at bago matulog.

FIRMING SKIN

Kung napapansin mong nagsa-sag na ang iyong balat, mabuting subukan na ang rosehip oil dahil nakakatulong ito sa pagbabalik ng elasticity ng balat. Ipahid lamang ang konting patak ng rosehip oil sa inyong malinis na balat sa umaga at bago matulog para magkaroon ng younger-looking skin na hindi gumagamit ng harsh chemicals.

EXFOLIATING SKIN

Ang rosehip oil ay puwedeng natural exfoliator kapag ginamit kasama ang baking soda. Pero iwasan ito kung acne-prone na ang iyong balat dahil ang oil na ito ay maaaring maka-irritate ng balat. Maaari itong maka-form ng blemishes at maka-clog ng pores.

TIPS SA PAGGAMIT NG ROSEHIP OIL:

-Dahil delicate ang rosehip oil at mabilis itong maging maanta, importanteng ilagay ito sa loob ng refrigerator o sa cool, dark location. Puwede rin itong haluan ng vitamin E oil para ma-improve ang shelf life.

-Ang cold-pressed rosehip oil ay pinakamabisa dahil hindi pa ito naa-alter ng init kaya mayroon itong mas maraming nutrients.

-Dahil ikinokonsidera ang rosehip oil bilang dry oil, mabilis itong naa-absorb ng balat. Maaari itong imasahe diretso sa mukha gamit ang gentle massaging motions. Puwede rin itong ihalo sa skin care recipes.

-Kung mayroong oily skin, mabuting i-test muna ang rosehip oil sa isang area para masiguradong hindi nito ika-clog ang pores na maaaring magdulot ng skin flare-ups.

-Nakakapag-prevent man ito at nakaka-reduce ng acne scars, hindi pa rin ito dapat i-apply nang diretso sa acne.

-Ang paga-apply ng rosehip oil dalawang beses araw-araw ay nakakapagbigay ng magandang resulta sa balat.

 

SOURCES (ARTICLE):

https://www.rodalesorganiclife.com/wellbeing/7-amazing-benefits-of-rosehip-oil

https://draxe.com/rosehip-oil/

http://www.livestrong.com/article/228464-what-are-the-benefits-of-rose-hip-oil-on-the-face/

http://www.kosmea.com.au/why-is-rosehip-oil-so-good-for-skin

SOURCE (IMAGE):

http://www.livestrong.com/article/228464-what-are-the-benefits-of-rose-hip-oil-on-the-face/

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here