Romantic Guy din ba ang Bet mo?

Kahit sinong babae ay talagang kikiligin kung ang lalaking makakarelasyon niya ay naniniwala talaga sa pag-ibig. Ang ibig kasing sabihin noon ay pinahahalagahan niya ang kanyang mga salita pagdating sa pag-ibig at siya ang tipo ng lalaki na puro lang bigkas ng  ‘I love you’ kundi pinapakita rin niya sa kanyang gawa.

Ang lalaking tunay na nagmamahal ay ibibigay niya ang buong atensyon sa’yo bilang babae. Hindi man kayo maaaring magsama beinte kuwatro oras sa loob ng isang araw, hindi naman ibig sabihin nito’y di siya gagawa ng paraan para magkita kayo at magkausap man lang. Kung tunay kasi siyang romantiko ay hindi siya magsasawang ipadama sa’yo kung gaano ka niya pinahahalagahan.

Mahirap man siya o mayaman ay agad mong mararamdaman na importante ka talaga sa kanyang buhay. Siguro naman ay hindi ka magiging manhid. Dapat ay dama mo rin na espesyal ang pagtrato niya sa’yo. Gayunman, hindi mo dapat pagkamalang nagiging romantiko lang siya kung humihiling na siyang dalhin ka na niya sa kama. Kapag ganoon kasi ang lalaki ay nangangahulugan na ikaw ay pinagnanasaan lang niya. Kapag napapayag ka na niya ay pwede ka na niyang iwanan pagkatapos.

Tandaan mo ang lalaking romantiko ay hindi lang basta mangangako sa’yo ng bituin at buwan dahil dahil gumamit pa siya ng pagkataas-taas na hagdanan ay hindi naman niya maaabot iyon. Ang gagawin niya ay iaalok sa’yo ang kanyang pangalan at magsasama kayo sa habambuhay.

O, ganitong klaseng lalaki ba ang iyong karelasyon?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here