Robredo, Nagsisimula Pa Lang

Sino nga ba ang ayaw masugpo ang droga? Malamang yung mga may kinalaman dito gaya ng mga users at pushers. Yung mga naglalakihang sindikato na humahawak nito. Yung mga malalaking tao na pumoprotekta rito. Pero sa mga may matuwid na pag-iisip ay walang gugusto sa droga. Kapahamakan lang ang idudulot nito sa lahat. Para itong virus na sumisira sa bawat pagkatao hanggang sa ang buong pamayanan at bansa ay ma-contaminate na. Kaya naman ang mga lider ng ating bansa ay may kanya-kanyang strategy para masugpo ito. Pero dahil iba’t-iba sila ng estratehiya at opinyon tungkol dito kaya naman walang nabubuong solid na plano para labanan ang gyera sa droga.  Tulad na lang ng nangyayari ngayon sa ating presidente at bise presidente. Bagama’t iisa ang intensyon ay magkaiba naman ang kanilang mga pamamaraan.

Habang ang Pangulong Duterte ay matapang na nakikipaglaban at ginagamitan ng kamay na bakal ang kanyang pakikidigma laban sa droga, iba naman ang itinutulak ng Pangalawang Pangulo Leni Robredo para manalo sa laban. Sa halip na ituring itong law enforcement problem ay mas gusto niyang ituring ito na isang public health issue na nangangailangan ng rehabilitasyon na siyang gagamot sa mga biktima. Para silang isang ama at isang ina na hindi magkasundo sa gagawing pagdidisiplina sa mga anak. Matapos siyang matanggal sa ICAD (Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs), sinabi ni Robredo na nagsisimula pa lang siya. Marami pa siyang plano para magampanan ang tungkulin sa bayan at makatulong para mapagwagian ang laban sa drugs. Ang tanong ngayon ni Robredo, ano raw ba ang kinatatakutan ni Duterte na malaman niya at ng taong bayan? Ito ay kaugnay ng pagkakaalis niya sa ICAD. Ayon naman kay Panelo, magagawa ni Robredo anuman ang gusto niyang gawin. Ang dahilan kung bakit siya na-appoint sa posisyon ay para makita niya na ang drug war ay transparent. Pero ayon pa kay Robredo, tinanggal man siya sa posisyon ay hinding hindi nila matatanggal sa kanya ang determinasyon niyang itigil ang patayan, papanagutin ang kailangang managot at ipanalo ang kampanya laban sa droga.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here