Relevance ng Values Education sa mga Bata

0
139

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Kung susubukan nating bumalik sa ating younger years at ihambing ang mga kabataan ng kahapon kumpara sa ngayon, marahil marami ang maaaring mag-claim na ang dating mga bata ay mas mabuti kaysa sa mga bata ngayon, pagdating sa moral values.

Kung titingnan natin ang education curriculum natin, nagsimula tayo sa pagkakaroon ng values education, hanggang sa nag-evolve ito bilang ESP o “Edukasyon Sa Pagpapahalaga”. Two years ago, binago ito at ginawang ESP o “Edukasyon Sa Pagpapakatao”, in line sa K-12 Basic Education Curriculum. Kaso nga lang, ang teaching values pa rin ang focus. Hindi nakita ng karamihan ang totoong essence nito dahil ang ibang mga estudyante at mga guro ay tinake for granted ito. Inisip nila na ito ay isa lamang additional na burden para sa mga bata.

Kailangan talaga natin i-reconsider ang ESP at dapat ay seryosohin ito dahil kapag hindi, ang basic principle natin sa buhay, na alamin ang sense of Justice at ang fulfillment of human dignity, ay hindi matutupad. Marami na ang mga batang napapariwara ngayon dahil hindi nila naiintindihan ang konsepto ng pagrespeto sa kapwa tao. Nabubulag na sila masyado ng social media at imbes na mag-contribute sila sa society, mas mahalaga para sa kanila ang kanilang reputasyon at pagpapa-unlad ng sarili. Wala namang masama sa pagpapa-unlad ng sarili, ngunit isang magandang prinsipyo na maituro sa mga bata ay ang kahalagahan ng pagmamahal sa kapwa. Hindi ito madaling ituro sa bata, dapat ay nakakatanggap siya ng pagmamahal sa bahay at bata pa lamang ay dapat hinuhulma na siya bilang isang taong may galang at dignidad.

Ayon sa libro ni Felix Montemayor na “Introduction to Philosophy”, ang translation ng ‘Justitia est constant et voluntas suum cuique trubuendi’ ay ‘Justice is the constant will and disposition to give each one his due’. Ibig sabihin, ang justice ay isang prinsipyo ng rectitude at fairness sa pagitan ng mga tao. Sa karagdagan dito, ang dalawang elemento ng justice ay ang ‘Universality’ at ‘Equality’, na kapag inapply natin ito sa ating buhay, siguradong magiging harmonious, prosperous, united at peaceful ang ating community.

Nakikiusap ang ESP sa lahat, lalo na sa academe, na maintindihan at ipraktis dapat ang basic principle nang sa gayon ay lahat tayo ay gumagawa ng tama. At kasabay nito, ang moral issues na tumatalakay sa illegal drugs, rape cases, prostitution, brutal killings, human trafficking, abortions, physical violence, graft and corruption at terrorism, ay siguradong mababawasan at mawawala nang tuloy sa isang bansang mapayapa.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here