RELATIONSHIPS: Tips Para Muli Ka Niyang Mahalin

0
90

Latest posts by philippineone01 (see all)

Pinagsisisihan mo na ba na iniwan mo siya o hindi ka pa rin makapag move on sa pakikipagbreak niya sa’yo? Kung gusto mo na muli ka niyang mahalin, narito ang ilang payo na maaari mong subukan. Ang preparasyon at mga paraan para muli ka niyang balikan.

PREPARASYON.

1.Availability. Alamin mo muna kung available pa ba siya. Baka naman kasi meron na siyang iba o taken na. Kung ganito na ang sitwasyon, humanap ka na lang ng iba dahil siguradong gulo ang papasukin mo at sakit ng ulo lang ang ibibigay nito sa’yo.

2.Dahilan bakit mo siya gustong balikan. Importanteng may dahilan ka kung bakit gusto mo na balikan ka niya. Narealize mo ba na mahal mo pa rin siya at siya na nga ang iyong truelove? O baka naman ego lang ang iyong batayan. Kung na-realize mo na mahal mo pa siya dapat ma-realize mo rin ang mga pagkakamali nyo sa natapos ninyong relasyon para alam mo na ang solusyon dito.

3.Dumistansya. Mahirap man pero kailangan mo itong gawin. Huwag ka munang tatanggap ng tawag sa kanya o kokontakin siya sa anumang paraan. Nang sa gayon ay masiguro mo ang iyong nararamdaman para sa kanya at ganoon din siya sa’yo.

PARAAN.

1.Pokus sa sarili. Kahit gaano mo kagusto na magkabalikan kayo, kailangan hindi mawala ang pokus mo sa iyong sarili. Dapat ay hindi mo pababayaan ang iyong kalusugan at may oras ka pa rin sa pakikipagbonding sa iba mo pang mga kaibigan. Magiging madali na mapansin ka niya ulit kung nakikita niyang sa kabila ng inyong naging break up ay hindi mo pinababayaan ang iyong sarili at mas lalo ka pang naging blooming.

2.Maging casual. Huwag mong ipapakita sa kanya na desperado kang makipagbalikan. Sa muli ninyong pagkikita ay umarte ka ng tama at huwag magpapalahata na gustong gusto mo na siyang mayakap ulit. Maaari siyang ma turn off kung mararamdaman niya na interesado kang makasama siya ulit.

  1. Buhayin ang inyong komunikasyon. Hindi porket nagtetext na kayo ulit, every minute ay kailangan mo siyang kumustahin. Take your time and enjoy it. Share her/him some funny or interested things to say. Huwag kang magtetext sa kanya na ikaw ay lasing o nakainom. Huwag ka ring magtetext na sobra mo siyang namiss.
  2. Ipaalala mo sa kanya ang masasaya ninyong alaala. Kapag inaya ka niyang magcoffee or maglunch, pwede ninyong pag-usapan ang bad parts ng inyong past relationship pero siguraduhin mo na mas mangingibabaw ang happy memories.

5.Muling ipakita ang talento. Kung naatract sa’yo ang ex mo dati dahil sa galing mong kumanta, pwede mo siyang yayain para sa isang videoke bonding. O kung sa galing mo naman magluto siya humanga , pwede mo ring siyang ipagluto.

More Dreams

More Horoscopes

More Palmistry

More Astrology/Pahula

More Pamahiin

More Kapangyarihan

More Chinese Horoscope

More Sikreto

More Numerology

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here