Relationships; Tips How To Comfort Her

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Sa isang relasyon, hindi maiiwasan ang tampuhan o awayan. Sa ganitong sitwasyon, may mga lalaking nahihirapang suyuin ang babaeng kanilang kapareha. Ang katuwiran nila ay maarte raw, ma-pride at kung anu-ano pang paratang. Pero ang totoo, madali lang naman talagang suyuin ang mga kababaihan. Sa mga pagkakataon din na malungkot ang isang babae dahil meron siyang pinagdaraanan, may mga paraan din para mapagaan ang kanyang dinadala sa dibdib. Kung hindi mo pa alam ang paraan, narito at ipagpatuloy mo lang ang pagbabasa.

1.Isa sa pinakamabisang paraan ay ang pagyakap. Yakapin mo siya para maiparamdam mo sa kanya ang iyong pag-aalala at simpatya. Ang isang simpleng yakap ay isang katiyakan na hindi siya nag-iisa sa kanyang problema at nasa tabi ka niya para maging karamay niya.

2.Kung nagkataon naman at nasa malayo kang lugar, send her good thoughts. Ang magagandang salita sa pamamagitan ng chats o kaya ay pagtawag sa kanya sa pamamagitan ng video call ay makakatulong na ng malaki sa kanya. Siguradong maa-appreciates nya ang anumang words of encouragement at words of wisdom na manggagaling sa’yo.

3.Bigyan mo siya ng mga bagay na makapagpapasaya sa kanya. Tulad halimbawa ng paborito niyang stuffed toy o paborito niyang damit o sapatos. O kaya naman ay paborito niyang pagkain. Hindi man nito masosolusyunan ang kanyang problema sigurado namang kahit papa’no ay mapapangiti siya nito lalo na kung mag-eeffort ka na ikaw mismo ang makapag-aabot nito sa kanya.

4.Kung ikaw naman mismo ang dahilan ng kanyang kalungkutan, alam mo na ang dapat mong gawin. Puntahan mo siya at ikaw na ang magpakumbaba. Mas mainam kung sa pagpapakumbaba mo at paghingi ng tawad ay sasamahan mo ng paborito niyang bulaklak. Karamihan sa mga babae ay lumalambot ang puso kapag nakakatanggap ng bulaklak. Pero bago niya ito tanggapin ay kailangan muna niyang maramdaman ang iyong sinseridad.

5. Ayain mo siya sa isang lugar kung saan makakalanghap siya ng sariwang hangin. Yung pwede niyang isigaw ang kanyang nararamdaman. Isang lugar na alam mong makapagpapaluwag sa dibdib niya. Yung makakaramdam siya ng kapayapaan at kasiyahan.

O diba, madali lang i-comfort ang isang babae. Kailangan mo lang ng konting effort at sincerity sa iyong gagawin dahil kung napipilitan ka lang huwag mo nang ituloy at mararamdaman niya ‘yon. ffffffffffffff

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here