RELATIONSHIPS: The Most Difficult Kind of Man to Love

0
117

Geraldine Monzon

I'm Geraldine Monzon. 37 years old; married with two children. I have written for comics, newspapers, pocketbooks and Indie film. My hobbies are browsing Facebook and Google so that I may learn and explore the world without travelling.

Kapag nagmahal ang isang tao, hindi niya mapipili kung sino ang kanyang mamahalin. Basta na lang nararamdaman ang pag-ibig sa puso. It doesn’t matter kahit pangit man o gwapo,matalino man o walang alam, mayaman man o mahirap at higit sa lahat, mabuti man ito o hindi. Kapag tinamaan ka ng pana ni Kupido ay wala ka ng magagawa kundi sundin ito ayon pa nga sa isang kanta.

Kung ikaw ay isang babae, naranasan mo na ba ang magmahal ng lalaki na napakahirap mahalin? Alam mo ba kung anong uri ng lalaki ang pinakamahirap mahalin? Maaaring magulat ka dahil aakalain mo na mahirap ibigin ang isang lalaking sanggano, bastos, walang pinag-aralan in short ay bad boy. Pero hindi ito ang uri ng lalaki na tinutukoy ko. Ang uri ng lalaking tinutukoy ko ay ang Good man. Oo, siya ang lalaki na pinakamahirap mahalin.

The good man is not a nice man. Bakit? Dahil hindi siya gumagawa ng mga bagay na tama para sa ikakabuti mo lang o maski pa para sa sarili niya. Ang lahat ng kilos at salita niya ay dahil sa kanyang prinsipyo. Sa tinatawag niyang moral code. Palagi niyang sinisiguro na lahat ng kanyang gagawin ay ayon sa kanyang personal standards. Ang mabuting lalaki ay hindi gagawa ng mga bagay na sa tingin niya ay madaling gawin o yung mga bagay na gusto niya para sa sarili niya kundi kailangan ito ay palaging mabuting bagay o tama.

Hindi siya magsisinungaling sa’yo para ingatan ang damdamin mo. Hindi ka niya kakampihan kung alam niyang mali ka kahit pa ikaw ang mahal niya. Lagi siyang tatayo para sa tama at sa kung ano ang mabuti. Kaya naman may mga bagay siyang magagawa na ikaiirita mo ,subalit hindi mo magagawang magalit dahil alam mo na mabuti siyang tao at paninindigan niya ito.

Ang mabuting lalaki ay maaari pa ring makipag-usap o makipagkita sa ex niya kahit pa kasama ka kung alam niyang kailangan nito ng tulong. Mahirap itong tanggapin pero kung ito ang mabuting gawin para sa kanya ay hindi mo siya masisisi. Nasa pagkatao niya ang unahin ang kapakanan ng iba bago ang sarili. Handa rin niyang ibigay ang mga kagustuhan ng pamilya at kaibigan bago niya pagbigyan ang sarili niya. Dahil sa sobrang katapatan niya sa kanyang mga ginagawa bilang mabuting tao, hindi niya alintana na ang mga babaeng pinagpapakitaan niya ng mabuti ay nacoconfuse na sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng kanyang pagpapakitang buti sa kanila.

Kaya naman kung ikaw ay magmamahal ng good man, siguraduhin mo na kaya mo ring magpakabuti tulad niya.

More Relationships

More I AM FILIPINO

More K-Pop

More Beauty and Health

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here