Relationships; Mga Dapat Gawin Para Hindi Mabasted

0
86

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Sobrang sakit ba? Kung ikaw ay isang lalaki at naranasan mo nang mabasted,malamang hindi mo na gugustuhin na maulit pa ito. Kaya naman bago ka manligaw ulit ay alamin mo muna ang mga paraan na dapat mong gawin para hindi ka na ulit mabasted. Narito ang ilang tips na dapat mong tandaan.

1.MAG-IMBESTIGA .Kailangan mo munang obserbahan ang mga kilos niya’t galaw kung siya ba ay isang babaeng Maria Clara o isang moderna at liberated. Nang sa gayon ay alam mo kung paano siya didiskartehan. Kung siya ay ala Maria Clara ang kahinhinan, dapat mo siyang suyuin sa makalumang paraan. Yung tipong punumpuno ng respeto. Kung siya naman ay modernang babae at open sa lahat ng bagay, pwede mo siyang ligawan sa makabago at mabilisang paraan na hindi naman darating sa punto na wala ka ng respeto. Hindi ito dapat mawala anupaman uri ng babae ang iyong napupusuang ligawan.

2.MAKISAMA. Sa ayaw mo at sa gusto, kung may tipo kang babae, dapat mo ring matutunan kung paano mo pakikisamahan ang kanyang mga kaibigan at lalo na ang kanyang mga kapamilya. Kapag nakuha mo ang loob nila ay magiging madali na para sa’yo na makuha rin ang loob ng babaeng sinisinta mo. Hindi ka dapat mag-aangas-angasan sa harap niya o ng sinumang mahal niya sa buhay dahil minus point yun sa’yo.

3.MAGPAKITANG GILAS. Hindi naman sa pagmamayabang, pero dagdag puntos din kung maipapakita mo sa kanya ang iyong mga katangian at talento. Halimbawa kung magaling ka sa isang sport tulad ng basketball, pwede mo siyang ayain na mapanood ka, malay mo hangaan ka niya. O kaya naman ay mahilig ka sa arts, pwede mo siyang iguhit , tiyak mapapangiti mo siya. Kung maganda naman ang iyong boses, pwede mo siyang alayan ng isang kanta.

4.MAGPAKATOTOO. Huwag na huwag kang magpe-pretend. Hindi mo kailangan magpanggap sa katauhan na hindi naman ikaw magustuhan ka lang niya. Mas gusto ng mga babae ang lalaking transparent at ipinapakita na agad ang totoong sila kasya sa lalaking mapagkunwari. Ang hindi pagpapakatotoo ay hindi ikinakapogi ng isang lalaki sa paningin ng isang marangal na babae.

5.MAGKAROON NG TAKOT SA DIYOS. Higit sa anupaman, ang pagkakaroon ng takot sa Diyos ang pinakahinahangaan ng isang babae sa isang lalaki. Dahil kung may takot ka sa Diyos, hindi mo maiisipan na gumawa ng masama o ng hindi patas. Kaya naman ang pagiging maka-Diyos ay isang malaking pogi points.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here