Relationships; 3 Ways To Make Your Woman Happy

Paano mo nga ba mapapanatiling masaya ang babaeng minamahal mo? May mga pagkakataon kasi na kapag nagtagal na ang inyong relasyon, kung hindi ikaw ay ang iyong kapareha ang nakakaramdam ng pagkasawa. Kung minsan naman ay meron siyang dahilan kaya niya ito nararamdaman. Marahil nagkakaroon ka na rin ng pagkukulang. Narito ang tatlong paraan kung paano mo mapapasaya ang babae na pinakamamahal mo para mapanatili mo siyang inlab sa’yo.

1.Pakinggan siya- May mga lalaki na tamad makinig sa mga kuwento ng kanyang girlfriend o asawa. Lalo na sa kanyang mga hinaing. Kadalasan ay pili lang sa mga sinasabi nito ang gusto niyang pakinggan. Kung ikaw ang lalaki at hindi ka marunong makinig sa mga sinasabi ng iyong girlfriend o asawa, aakalain mo na okay lang ito sa kanya. Hindi mo alam na may malaki itong epekto sa kanya at sa inyong relasyon. Sumasaya ang babae kapag ang lalaki ay marunong makinig sa kanya dahil iniisip niya na binibigyan nito ng halaga ang kanyang mga salita.

2.Tulungan siya- Nanliligaw ka pa lang o asawa mo na, sobrang importante na naipapakita mo sa iyong mahal na willing kang tulungan siya anuman ang kanyang ginagawa lalo na sa gawaing bahay. Halimbawa ay sa pagluluto, paglalaba, pagdidilig ng halaman, paglilinis ng bahay at kahit ano pang gawain. Wala ka mang marinig na salita mula sa kanyang bibig, makikita mo naman sa kanyang mga mata ang kasiyahan. Sobrang naaapreciates ng babae ang matulunging lalaki dahil nakakagaan ang pagtulong na ito sa kanyang mga gawain at iniisip niya na ayaw ng lalaki na mahirapan siya. Kaya naman deep inside ay napapasaya mo siya.

3.Lambingin siya- Kung meron mang babae na ayaw na nilalambing siya ng kanyang boyfriend o hubby, bihira lang siguro. Kadalasan ay gusto ng mga kababaihan ang extra lambing mula sa kanilang jowa. Hindi dapat mawala ang sweetness at mas magiging effective ito kung gagawin mo sa iba’t-ibang paraan. Ang simpleng pagdadala mo sa kanya ng pagkain, ang simpleng paghagod mo sa kanyang likod kung sa tingin mo ay pagod siya, ang simpleng paghalik mo sa kanya bago umalis at pagdating ng bahay, mga simple at maliliit na bagay na hindi mo alam ay may malaking epekto sa damdamin niya para sa’yo. fffffffffffff