Reincarnation, totoo ka nga ba?

Ang reincarnation ay iyong muli kang nabuhay sa ibang panahon. Marami ang nagtatanong, totoo nga ba ito? O, baka naman gawa-gawa lang ito ng mga taong may malilikot na kaisipan para may katakutan ang kanyang mambabasa at manonood. Ouch naman, kawawa naman kaming manunulat. Para kasing sinasabi na lahat na lamang ng bagay ay imbento lang namin at walang katotohanan. Sa madaling salita ay nagkakalat lang kami ng fake news.

Ngunit, kung susuriin mong mabuti ang iyong sarili ay parang may mga alaalang pumapasok sa’yong isipan na tiyak mo namang hindi mo pa nagagawa o nararating. KUng minsan nga ang setting pa ay nasa ibang bansa. At hindi ka ba nagtataka kung bakit may mga bagay kang madali mo lang nagagawa kahit wala ka namang pag-aaral na ginawa sa bagay na iyon.

Ang dahilan kasi, maaaring nabuhay ka na sa ibang panahon at ang mga alaala na nasa isipan mo ay bahagi ng nakaraan mo pang buhay. Kung minsan kasi, hindi sapat ang ating kamatayan para masabi nating ang mga nagawa natin ay mababaon na talaga sa limot. Kung ang isang tao ay namatay na hindi pa niya tuluyang natutupad ang kanyang mga gusto sa buhay ay malaki ang tendensiya na muli siyang mabuhay sa ibang panahon para tuparin ang kanyang pangarap o misyon sa buhay.

Marahil nga, mahirap sa’yong paniwalaan pa ito kaya lang kung mararanasan mong bulabugin ka ng nakaraan, tiyak kong maniniwala ka na ring nabuhay ka na sa ibang panahon.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Pebrero 24, 2020
Next articleChinese Horoscope; Pebrero 24

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here