Putik Sa Panaginip, Masamang Pangitain Nga Ba?

3865

Kaya ko isusulat ang tungkol sa putik sa panaginip ay dahil napanaginipan ko misto ito. At natuklasan ko mula sa aking pagreresearch ang kahulugan nito. Sa panaginip ko ay may gusto akong iabot sa anak ko pero wala akong madaanan. Tumapak ako sa putikan subalit bigla akong lumubog at labis akong nakadama ng takot dahil akala ko ay matatabunan na ako ng putik at mababaon doon kaya sa panaginip ko ay inihanda ko na ang sarili ko sa ganoong klaseng kamatayan.

Kaya ang natuklasan ko sa kahulugan ng ganitong klaseng panaginip ay ibabahagi ko sa inyo.

Ang bumabahang putik sa panaginip gaya ng napanaginipan ko ay nagpapahiwatig na may mga ginagawa kang maling desisyon sa buhay. Sa ayaw mo man at sa gusto ay maiipit ka sa paggawa ng maling pagpapasya dahil na rin sa sobrang pressure. Ibig sabihin, magagawa mo ang mga bagay na ito dahil wala ka sa tamang wisyo o wala ka sa kaayusan ng pag-iisip dulot ng stress. Kaya naman ang hindi magandang resulta nito ay bubuhos lahat sa iyong pagkatao.

Ang putik naman sa iyong mga palad ay nangangahulugan na ikaw ay puno ng hindi magandang emosyon. Nababalot ang puso mo ng mga negativity. Marahil ikaw ay nasa gitna ng isang mahirap na sitwasyon. Ang putik ay senyales na hindi ka makapag-isip ng tama dahil nangingibabaw sa’yo ang galit. Maaaring isang hindi magandang pangyayari sa buhay mo ang hindi mo ma over come at paulit-ulit na naiisip at ito ang siyang nagdudulot ng hindi magandang isipin at damdamin sa’yo.

Kung sa panaginip mo naman ay punumpuno ng putik ang iyong katawan, kakailanganin mong pagtuunan ng pansin ang iyong kalusugan dahil ito ay nagpapahiwatig na maaari kang dapuan ng isang malalang karamdaman. Bago pa ito mangyari ay gawan mo na ng paraan.

Kung hindi pa nagaganap ang mga kahulugang ito at ikaw ay nanaginip ng putik, ihanda mo na ang iyong sarili sa problemang posible mong kaharapin. Maaaring sa problemang ito ay makagawa ka ng mga bagay na pagsisisihan mo sa huli kaya mahalaga na matutunan mo kung paano maging kalmado sa gitna ng mga suliranin nang sa gayon ay maiwasan mong malubog sa putik na simbolo ng kalungkutan sa iyong panaginip.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here