PROUDLY PINAY: KILALANIN ANG ATING SARILING SKIN CARE BRANDS (Part 1)

1403

Malayo na talaga ang narating ng ating mga lokal na produkto. Kayang-kaya na ngayon nitong makipag-compete o baka nga daigin pa ang mga foreign brands na kadalasan ay napakalaki ng diperensya sa presyo sa ating mga local brands. Ang kagandahan sa paggamit ng ating sariling skin care products ay ginawa nila ang mga produkto para sa pangangailangan ng mga Pinoy. At gumagamit din sila ng locally produced products. Kaya bago tumangkilik ng mga produkto ng mga banyaga, tangkilikin muna natin ang sariling atin.

BELO ESSENTIALS

Isa sa pinaka-popular na skin care brand ng mga Pinoy. Napakaganda ng ginawa ni Dra. Vicki Belo na binigyan niya ng pagkakataon ang masang Pilipino na maranasan ang kanyang dekalidad na skin care products na hindi nakakabutas ng bulsa. Napakalawak ng range ng mga produkto ng kumpanyang ito na magi-isang dekada na sa market. Bukod sa kanilang popular whitening products na kasama na sa grocery list ng mga Pinoy, nagiging choice na rin ng marami ang Belo SunExpert Transparent Mist SPF50 pagdating sa sunscreen protection. At ang mga BB cream lovers naman ay pinipili na ang Belo Intensive Whitening BB Cream SPF 50 dahil bukod sa intensive whitening at sun protection, ito rin ay swak sa balat ng Pinoy hindi tulad ng mga Korean BB Creams na minsan ay hindi nagbe-blend nang maayos sa Filipino skin.

CELETEQUE

Noong unang labas ito sa market, akala ko hindi affordable dahil may pagka-French sounding ang pangalan pero nalaman ko na Filipino brand pala ito at hindi rin nakakabutas ng bulsa. Sampung taon na ring nagbibigay ng affordable skin care solutions ang Celeteque. Ang ilan sa kanilang mga popular na produkto ay ang Hydration Facial Moisturizer na ideal para sa mga may oily at combination skin dahil light lang ang consistency nito. Ang Brightening Facial Wash ay napaka-epektibo pero very affordable rin.

VMV HYPOALLERGENICS

Thirty seven years na sa market ang VMV at isa ito sa mga kumpanyang unang nag-develop ng comprehensive hypoallergenic rating system. Ang mga produkto nila ay ginawa na wala ang mga allergens na kadalasang makikita sa maraming cosmetic products kaya safe ito kahit sa mga may sensitive skin. Ang kanilang Armada Face Cover 30 ay na-feature na sa mga international magazines at pati nga ang Hollywood celebrity na si Jennifer Garner ay big fan nito.

ZENUTRIENTS

Seven years na sa business ang Zenutrients. Naitayo ang skin care brand na ito dahil sa pangangailangan ng natural na gamot sa psoriasis. Nadiskubre nila na ang solusyon pala ay Virgin Coconut Oil. Kaya nagsimula silang magbenta nito hanggang sa nag-branch out na rin sila sa paggawa ng massage oils, soaps, scrubs, balms, lotions at shampoos. Popular sa kanila ang Argan Skin Salve-ation na nakakatulong sa pag-alis ng dry spots.

SNOE BEAUTY

2010 nang ipinanganak ang business na ito at dahil iyon sa passion sa beauty products ng may-ari nitong si Jen Gerodias Diaz. Nagsimula siyang magbenta ng labindalawang klaseng sabon sa mga bazaars hanggang sa mag-request ang mga customers na gumawa siya ng scrubs at lotion. Ngayon mayroon na ang Snoe na tatlong daang produkto para sa bawat pangangailangan ng babae: skin care, hair care, makeup, fragrances at beauty tools. Kamakailan ay nag-launch na rin sila ng beauty supplements. Ang ilan sa kanilang mga popular na produkto ay ang Slim Shade Me Face Sculpting Cake na isang slimming contour powder. Kung gusto mong matanggal ang mga dumi na nanunuot sa iyong pores, gumamit ng Awesome Poresome Excavator Mask. At para mapanatiling malambot at kissable ang iyong lips, gumamit ng Beso Balm.

SOURCES (ARTICLE):

http://www.projectvanity.com/projectvanity/filipino-skincare

http://www.rochellerivera.com/2016/10/belo-paraben-free.html

http://gojackiego.com/zenutrients-dont-panic-its-organic/

http://www.entrepreneur.com.ph/business-ideas/bazaar-star-the-snoe-beauty-startup-story-a746-20160922

SOURCES (IMAGES):

http://beloessentials.ph/product

https://iprice.ph/celeteque

http://bffbeautyblog.com/review-vmv-hypoallergenics-vacation-kit/

http://www.manilafashionobserver.com/2014/03/mfo-shoe-series-angela-dinglasan-quezon.html

http://zolasmom.blogspot.com/2015/06/beauty-finds-snoe-beauty-products.html

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here