Protektahan Ang Iyong Anak Mula Sa Internet

Sa dami ng mga kabataang napapahamak ngayon dahil sa internet, hindi na nakakapagtaka kung ang mga magulang ay maalarma at mangamba para sa kanilang mga anak. Kaliwa’t kanang panloloko ang nagaganap bawat oras sa araw-araw sa pamamagitan ng internet. May naaabuso, may naiisahan at meron ding humahantong sa kamatayan. Kaya sinong magulang ba ang mapapanatag kung ang kanilang mga anak ay pawang nakatutok din sa internet? Kailangan ng mga bata ng gabay at proteksyon ng kanilang mga magulang upang hindi sila maging biktima.

Pero paano nga ba poprotektahan ng isang magulang ang kanyang anak mula sa mapanganib na side ng internet? Lalo na kung ang magulang mismo ay nakatuon din ang atensyon sa social media at hindi sa kanyang pamilya? Ito ang unang-unang dapat gawin ng isang magulang, ang bawasan ang kanyang oras sa social media at sa halip ay ipakita at iparamdam sa anak na mas masaya ang mundo sa labas ng internet. Kung ikaw ang magulang, maaari mong ayain ang iyong anak na i-experience ang mga larong natutunan mo dati. Bigyan siya ng masayang bonding kasama ang buong pamilya o kahit kayong dalawa lang kung hindi available ang ibang miyembro. Marami kayong pwedeng pagsamahan tulad ng cooking, watching movies, painting at kahit anong pwedeng paglibangan na sa tingin mo ay maeenjoy niya.

Kung hindi mo naman siya mapipigilan sa pag-explore sa internet, dapat mo siyang bantayan sa paggamit nito. Dapat mong alamin kung sinu-sino ang kanyang kinakausap. Kung sinu-sino ang mga tao na nag-aadd sa kanya. Kung paano siya makipagchat, kung ano ang mga pinopost niya, ang mga pina-follow niya at mga sine-search niya. Dapat kang makasiguro sa lahat ng galaw niya sa internet. Huwag kang papayag na hindi mo malalaman ang mga ito lalo’t siya ay menor de edad. Kung ang mga matatanda nga ay naiisahan, ang mas bata pa kaya? Maging aware sa mga nangyayari sa anak sa loob at labas ng internet.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here