President Duterte, epektibong lider ng bansa

0
361

Magandang balita mga kababayan, walang naitalang namatay dahil sa paputok. Ibig sabihin lang nito ay talagang epektibo ang pagbabawal sa pagpapaputok dahil kasi doon ay walang buhay na nawala. Iyon nga lang, dahil marami pa rin talagang taong pasaway ay mayroon pa rin namang nadisgrasya. May pitong ‘naputulan’ ng bahagi ng kanilang katawan partikular na ang kanilang daliri.

Dahil sa 68% daw ang ibinaba ng mga nadisgrasya dahil sa paputok. Ito ay ayon kay Health Secretary Duque III. Nasa 191 lang ang ang naitala na nasaktan sa mga paputok. Kaya, dapat lang talaga na ma-ban na next year totally ang paggamit ng paputok at kung ako ang tatanungin ay mas maigi nga iyon dahil walang buhay na masasayang.

Bagamat makakapag-alis daw ng malas ang pagpapaputok, marami naman ang paraan para mawala ang malas, ah. Pwede namang magpatuktok na lang ng malakas o magpalo ng kaldero. Hindi iyong magpapaputok ka nga, mawawala nga ang malas sa bahay mo pero ikaw naman ang mamalasin dahil madidisgrasya ka.

Pero, kahit naman marami pa ring pasaway na Pilipino, marami rin naman ang nakaramdam ng takot na lumabag sa batas ni Pangulong Duterte. Ang magpaputok ng mga paputok na wawasak sa’yong buhay at bahagi ng iyong katawan.

Bakit hindi ka nagpaputok? Tanong ko sa ilang kapitbahay na dati ay gumagasta ng 10k dahil lamang sa mga paputok.

Binawal ni Pangulong Duterte, sabi ni Mang Isidro habang naghihimas ng kanyang manok na panabong.

Malulugi lang ako, sabi naman ni Aling Tale na dati ay gumagawa ng paputok pero dahil si President Duterte na nga presidente, pinili na lamang niyang magbenta ng puto bumbong at bibingka.

Dahil doon ay hindi ko napigilan ang mapangiti. Ibig kasing sabihin noon para sa akin ay epektibong lider talaga si Pangulong Duterte. Ang kanyang batas ay hindi binabalewala. Bagamat marami ang kumokontra sa kanyang pamamahala ay marami rin naman ang sumusunod. Sabi nga ng maraming tao, partikular na iyong mga hindi nagpapaputok ang masayang kinaharap ang bagong taon dahil wala silang kapamilya na nadisgrasya.

Kahit naman kasi hindi ka nagpapaputok ay maaari ka pa ring madisgrasya kung napapaligiran ka ng mga nagpapaputok. Mayroon kasing hinahagis ang paputok para makapanggulat ng tao at siyempre maling-mali iyon lalo pa’t madidisgrasya ang taong gugulatin mo.

At kung hindi ako nagkakamali ay marami talagang taong nadisgrasya noong nakaraang mga taon na hindi naman talaga nagpapaputok. Sa halip, nadisgrasya dahil sa pagpapaputok ng ibang tao. Mayroon pa ngang mga bata na pinulot ang five star tapos biglang sumabog.

Saka, ang mga pulis dati ay walang pakialam kung magpaputok ng baril. Basta masaya sila ay wala silang pakialam sa madidisgrasya nila ngunit dahil alam nila na hindi ikatutuwa ni President Duterte iyon, wala naman akong napabalitaan na pulis na nagpaputok. Dahil siguradong alam nila ang magiging kaparusahan kapag naging pasaway sila.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here