Ang pangako ni President Rodrigo Duterte nang tumatakbo pa siya sa pagka-presidente, magagawa niyang solusyunan ang problema sa drugs sa loob lang ng 3 hanggang 6 na buwan. Confident siya ng sabihin iyon na kayang-kaya niyang gawin iyon kaya naman maraming tao ang naniwala sa kanya na magagawa niyang solusyunan ang droga. Kaya lang sa paningin ng kanyang mga detractors, imposibleng mangyari iyon.
Nang maupo si President Duterte, pinatunayan niya na kaya niyang pilayan ang mga taong may kinalaman sa droga. Kaya, ibinulgar niya ang mga general na nagpuprotekta sa mga pushers. At dahil sa nais nga niyang mawala talaga ang mga taong may kinalaman sa droga, sinabi niyang kailangan ng sumuko ang mga adik at kinailangan nilang mangako na hindi na sila gagamit pa ng ipinagbabawal na gamot. Ngunit, parang napakahirap sa kanilang gawin iyon, makalipas lang ng ilang araw, linggo at buwan makikita na namang bumabalik sila sa kanilang pagbibisyo kaya naman hayun nasama sila sa mga na-Tokhang. Sabi ng ating Pangulo, kapag daw ang adik, pusher at protektor ay nanlaban, huwag na mag-isip pa at sila ay parusahan na.
Ngunit, talaga yatang talamak ang droga sa ating bansa kaya naman natapos na ang 6 na buwan ngunit hindi pa rin iyon nasosolusyunan. Kaya, nasabi ng ating pangulo na hindi na niya kaya pang sugpuin ang droga. Kahit naman kasi, marami ng namatay at nakulong, hindi pa rin talaga makakayang solusyunan ang problema sa droga hangga’t hindi mismo ang gumagamit ang nagsasabi sa kanyang sarili na, ‘kailangan ko nang magbago.’
Kahit kasi sabihin mo pa na ang mahuli mong kriminal ay parurusahan, kung
Kaya sana, kung hindi mo pa talaga nais na wakasan ang buhay mo, magbago ka na. Ito ay para rin sa’yong kinabukasan. Tulungan din natin ang pangulo natin na masugpo ang problema sa droga dahil tayo rin naman ang higit na makikinabang nito, eh. Sa halip na magsalita ka pa ng masama at makakasakit sa’yong kapwa, tumulong ka na lang.