Premonisyon, May Katotohanan ka nga ba?

Ang premonisyon ay isang uri ng pamamaalam na mabibigkas ng taong papanaw o iyong imahe na makikita natin sa kanya sa kanyang pag-alis. Maaari rin naman iyong kakaibang damdamin na lumukob sa atin kapag may bagay tayong nabasag. Ibig daw kasing sabihin nito ay may kapamilya tayong maaaring mapahamak.

Totoo nga ba ang premonisyon? Kung ako ang iyong tatanungin, oo ang isasagot ko. Mahirap ipaliwanag pero talagang nararamdaman ng isang tao na malapit na siyang magpaalam sa mundong to kaya naman nakakapagbigkas siya ng mga salitang may pamamaalam. Bukod dito mayroon din namang tao na nagagawang makita kung ano ang nakatakdang mangyari sa isang tao.

Ang isang kaopisina ko noon ay nakita niya ang kanyang reporter na tigmak ng dugo gayung wala na ito sa opisina. Makalipas ang ilang oras ay nabalitaan na lamang niyang ang reporter niyang iyon ay namatay. Nahulog sa jeep at hindi na umabot pa ng buhay sa ospital. Mayroon din namang makikita mo sa  larawan ang isang tao na walang ulo. Ibig sabihin noon ay masamag mangyayari sa kanya. Gayunman ay maaari mo raw makontra iyon, kung sasabihin mo doon sa tao na mag-ingat dahil may nakatakdang mangyari sa kanya upang siya ay makapag-ingat. O kaya naman ay utusan mo siyang baliktarin ang suot niyang damit para hindi matuloy ang masamang mangyayari sa kanya.

Ang tanon nga lang, maniniwala ba siya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here