Precious Lara Quigaman way sa pagsagot sa mga bashers

907

“I take no offense on being typecasted as a nanny. But I do take offense that the educated people of the world have somehow denigrated the true sense and meaning of what a nanny is. Let me tell you what she is. She is someone who gives more than she takes. She is someone you trust to look after the very people most precious to you—your child, the elderly, yourself. She is the one who has made a living out of caring and loving other people. So to those who have typecasted us nannies, thank you. It is a testament to the loving and caring culture of the Filipino people. And for that, I am forever proud and grateful of my roots and cultutre.” Ito ang nakamamanghang sagot ni Ms. International 2005 Precious Lara San Agustin Quigaman o mas kilala bilang Precious Lara Quigaman.

Matatandaang naging maingay ng pagkapanalo ni Lara dahil na rin sa dalawampu’t anim na taon rin ang pinaghintay ng Pilipinas para muling masungkit ang nasabing korona. Matapos ang kanyang pagkapanalo ay naging visible siya sa telebisyon at di naglaon ay nagpakasal sa kanyang nobyong aktor na si Marco Alcaraz.

Sa nakalipas na mga taon ay iba’t ibang role na rin kabi-kabilang programa at teleserye ang pinagbidahan ni Lara.Ngunit isa sa pinaka-nakakapukaw ng atensyon ng mga tao kapag nababanggit ang isang Lara Quigaman ay ang pagiging graceful niya sa tuwing mahaharap siya sa mga kontrobersiya. Gaya na lamang ng nangyari ng taong 2015 kung saan nag-post siya ng isang Bible verse na maraming netizens ang nagalit at nag-react dahil tila may pinapatamaan ang aktres. Sakto namang bibisita noon si Pope Francis.

“When I post pictures, it’s not just for my followers to see but for me to look back to. Again. This is my IG page, I post what I want..sure I want to please my followers, but I also post for my own pleasure and more than that I want to please my God. I respect Pope Francis. I am grateful to him for bringing hope to our kababayans and making a lot of us smile. I think he is doing a great job…. You know what made me sad? People asking for me to respect them when I think they don’t even know what it means to respect someone. You are the ones who are not respecting me and what I believe in.” (wereblog.com)

Marami man ang mga negatibo ang naging reaksyon ay may mga naniniwala naman din na may punto ang sinasabi ng aktres. Sa puntong ito ay tila pa rin pang-Ms. International ang pagkakasagot ni Lara na isang kamangha-manghang bagay. Madalas kasi sa mga artista na mahilig mag-post sa kanilang mga Social Networking Sites o SNS ay madalas pang makipag-away kapag may mga bashers na nagko-comment ng negatibo sa kanilang mga posts.

Sa kabilang banda ay nagawang depensahan ni Lara ang kanyang paniniwala sa napaka-elegante at sopistikadang paraan. Kaya naman higit sa kaniyang mga achievements, bilang isang beauty queen at artista, ay nararapat na tularan at gawing isang mabuting halimbawa ang isang Lara Quigaman.

SHARE
Previous articleGusto na magpakamatay dahil namatay ang boyfriend
Next articleBaka Bukas Review
Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious things but is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here