Positibong Karater Ng Gemini

1
327

Latest posts by Madame Yna (see all)

INTELLIGENT

Likas sa isang Gemini ang pagiging intelihente. Kahit pa sa maliit na bagay ay naipamamalas niya ang kanyang katalinuhan. Palagi siyang interesado na matuto kaya naman lahat ng oportunidad na pwede siyang matuto ay iga-grab niya. Mahilig din siyang magsaliksik sa mga bagay na nais niyang malaman. Gumugugol siya ng oras para rito. Hindi siya nahihiyang magbigay ng sarili niyang opinyon hingil sa isang usapin.

WITTY AND HUMOROUS

Kung ayaw mong ma-bored, piliin mong makasama ang isang Gemini. Likas sa kanya ang pagkakaroon ng sense of humor. Hindi niya hahayaan na makasingit ang dull moment sa araw na magkasama kayo. Most of the time ay sisikapin niyang palabasin ang ngiti sa iyong mga labi. Ginagawa niya ito hindi lang para mang-aliw ng ibang tao kundi para rin aliwin ang kanyang sarili dahil ayaw din niyang mabored. Gusto niya palagi ng isang masayang company. Lalo na kung may kinakaharap siyang problema.

FLEXIBLE

Hindi mo masusubukan ang isang Gemini pagdating sa pagiging flexible. Kahit saan mo siya ilagay kahit pa sa anong sitwasyon ay makakayanan niya ito. Mabilis siyang mag-adapt.  Kahit pa magkaroon ng isang biglaang pagbabago sa plano ay magagawan niya ito ng paraan. Kaya kung meron mang mangangahas na sirain ang kanyang plano ay hindi ito magtatagumpay, dahil kahit pa ang pinakamahirap at pinaka kumplikadong sitwasyon ay malulusutan niya. Maaari ring magbago ang kanyang sariling plano anytime once na makaisip siya ng mas maganda at mas mabuti.

HELPFUL

Kung minsan ay naipagkakamali ang isang Gemini na madamot at walang pakialam. Pero ang totoo ay napakamatulungin niyang tao. Nagiging matalino lamang siya sa pagpili ng mga taong karapat dapat niyang tulungan. Kadalasan kasi, dahil sa pagiging open niya ay naaabuso na siya ng iba. Kaya ang kanyang pagtulong ay ginagamitan niya ng talino. Kung lalapit ka sa kanya para lamang sa pansarili o hindi mo naman talaga kailangan, huwag kang umasa na magiging bukas palad siya sa’yo, pero sa oras na makita niyang kailangang kailangan mo talaga ay hindi ka mapapahiya sa kanya. Ayaw niya kasi sa lahat ang mga abusadong tao at yung walang utang na loob.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne Youtube =

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here