Positibong Karakter Ng Virgo

0
344

INTELLIGENT

Iba ang pagka-intelihente ng isang Virgo. Mahilig siyang magresearch partikular sa isang bagay. At kapag nalaman na niya ay hindi siya hihinto doon. Kailangan na marami pa siyang matuklasan na may kaugnayan sa kanyang niresearch. Kailangan na malaman niya ang bawat detalye kaugnay noon.

PRACTICAL

Kung isa kang dreamer o fantasy lover, hindi ka nababagay sa isang Virgo dahil hindi siya naniniwala sa mundo ng pantasya. Sa halip na papaniwalain ka sa malawak na imahinasyon ng mga manunulat ay ipapakita niya sa’yo ang realidad ng buhay. Ibibigay niya sa’yo ang lahat ng kaya niyang ibigay at ipaparamdam niya sa’yo na ang lahat ng nararanasan mo ay ang katotohanan ng buhay at hindi isang pantasya lang.

DOWN TO EARTH

Dahil sadyang matalino at may sariling diskarte, hindi mahirap para sa isang Virgo ang umangat sa trabaho. Isa siyang achievers. Marami siyang kayang gawin at malapit sa kanya ang tagumpay. Gayunpaman, hindi mo kakikitaan ng pagmamayabang ang isang Virgo. Ni hindi mo mahahalata sa kanyang mga kilos at pananalita na marami na siyang nakamit na tagumpay. Ang mga paa niya ay nananatiling nakaapak sa lupa. Very humble.

CARING

Bagamat hindi naniniwala sa fairytale ang isang Virgo, hindi maitatanggi na isa siyang caring na zodiac. Alam niya kung paano aalagaan ang mga mahal niya sa buhay. Mga kapamilya at kaibigan. Uunahin niya ang kapakanan nila bago ang kanyang sarili. May sarii siyang pamamaraan kung paano niya maipapakita at maipararamdam ang kanyang pagke-care sa kapwa. Hindi rin makakayang tumbasan ng pera ang tunay niyang pagmamalasakit.

RELIABLE

Kung meron ka mang mapagkakatiwalaan sa trabaho na nais mong asahan kapag ikaw ay lumiban, ito ay ang Virgo. Matagal man o bago pa lang siya sa kanyang pwesto sa trabaho ay agad niyang natututunan ang pasikot sikot nito basta’t maayos lamang na naituro sa kanya. Kung sakali rin na mapasok ka sa hindi magandang sitwasyon kasama ang isang Virgo, umasa ka na makakaisip siya ng paraan. Maaari kang dumepende sa kanya dahil magaling siyang maghanap ng solusyon.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here