Positibong Karakter Ng Scorpio

0
175

BRAVE

Kung tapang at lakas ng loob ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang Scorpio dyan. Wala siyang inuurungang laban. Kahit na sa pinakamahirap na sitwasyon ay handa siyang sumuong magawa lang niya ang sa tingin niya ay dapat niyang gawin. Hindi siya takot na humarap sa panganib lalo na kung ang nakasalalay dito ay kanyang pamilya at sariling reputasyon. Para siyang isang superhero na karakter sa isang palabas.Hindi padadaig at hindi palulupig.

AMBITIOUS

Isilang man na mayaman o mahirap ang isang scorpio, nasa pagkatao na niya ang pagiging ambisyoso. Hindi siya makukuntento sa kung ano lang ang nasa harapan niya o kung ano ang meron siya. Gagawin niya ang lahat,sa mabagal man o sa mabilis na paraan basta’t nakakasiguro siya na hindi siya mabibigo para sa tagumpay na kanyang hinahangad. Pero hindi naman siya yung tipo na mang-aapak ng tao alang-alang sa katuparan ng kanyang mga pangarap.

LOYAL

Pagdating sa loyalty, makakaasa ka sa Scorpio. Maaaring malaman mo na marami siyang nakarelasyon pero hindi ibig sabihin na siya ay hindi nakukuntento sa isa kundi sadyang hindi pa niya natatagpuan ang laan para sa kanya. Sa oras na matagpuan na niya ito ay hindi mo na siya mapapalingon sa iba. Mapagkakatiwalaan mo siya sa relasyon nyo kahit pa iwanan mo siya nang pansamantala. Babalik ka na nasa’yo pa rin ang loyalty niya.

FOCUSED

Isa sa magandang karakter ng Scorpio ay ang pagiging focus nito. Kung hindi siya interesado sa isang bagay ay malabo mong makuha ang kanyang atensyon. Hindi siya yung tipo na kakagat sa mga pabandying bandying na gawain. Pero once na may makapukaw ng interes niya ay dito na lalabas ang abilidad niyang magpokus. At kapag nagdesisyon na siyang ilaan ang oras niya para rito ay hindi mo na siya matitinag. Wala ng makakatinag sa kanya hangga’t hindi siya nasasatisfied sa resulta ng kung anuman ang pinagkakaabalahan niya.

PhilippineOne Facebook

PhilippineOne YouTube

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here