Positibong Karakter Ng Pisces

242

Latest posts by Madame Yna (see all)

SELFLESS

Ang pagiging selfless ang pinakamagandang katangian ng isang pisces. Automatic na sa pagkatao niya na kapag may nangailangan ay hindi siya magdadalawang isip na tumulong kahit pa masakripisyo ang sarili niyang pangangailangan. Palagi siyang willing tumulong close ka man o hindi sa kanya. Anytime as long as meron siyang maitutulong. Ang sad part lang dito ay hindi lahat nakaka-appreciates ng pagiging selfless niya.

KIND

Kahit saang anggulo mo tingnan, mabait talaga ang isang pisces. Bagamat minsan ay namimisinterpret ang kanyang kabaitan sa pagiging plastik . Para sa kanya walang maitutulong ang negatibong komento ng mga tao. Kahit deep inside ay nasasaktan siya,mas pipiliin pa rin niya ang hindi kumibo at ipagpatuloy na lang ang kanyang good deeds.

IMAGINATIVE

Likas din sa kanya ang pagkakaroon ng malawak na imahinasyon. Ang kanyang imahinasyon ay hindi mo maaaring ikulong sa isang kahon dahil lalabas at lalabas ito sa kanya lalo na sa mga oras na nauubusan na ng ideya ang iba. Malaki ang naitutulong nito sa kanya bilang stress reliever.

INTUITIVE

Mas madalas sa hindi na pinagkakatiwalaan ng pisces ang kanyang instinct. Bihira kasi siyang magkamali sa kanyang kutob. Unang tingin pa lang niya sa tao ay may ibinubulong na ang kanyang instinct. Ganoon din sa isang sitwasyon. Kaya naman sa pagdedesisyon ay palagi siyang dumepende sa kanyang intuition.

THOUGHTFUL

Isa rin sa maipagmamalaking katangian ng pisces ang kanyang pagiging thoughtful. Lalo na sa mga mahal nya sa buhay. Mararamdaman mo ang kanyang pagiging maaalalahanin sa lahat ng oras lalo na kung ikaw ay malayo sa kanya. Hindi rin siya nakakalimot sa mga mahahalagang araw. Palagi niyang sinisiguro na maipararamdam niya ang kanyang pagmamahal sa mga taong malalapit sa puso niya.

CONSIDERATE

Hindi siya yung tipo ng tao na basta basta na lang sa pagpapasya. Yung sugod na lang nang sugod. Palagi siyang may konsiderasyon sa mga bagay bagay lalo na sa mga tao. Sa bawat desisyon na ginagawa niya sa kanyang buhay ay hindi niya nakakalimutan ang magkonsidera lalo na sa mahahalagang usapin ng kanyang buhay.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here