Positibong Karakter Ng Cancer

0
258

Latest posts by Madame Yna (see all)

POSITIBO

1.Malikhain. Likas sa isang cancerian ang pagiging malikhain. Taglay niya ang puso ng isang artist na siguradong hahangaan. Kaya ng isang cancer na makalikha ng isang kakaibang nobela na gamit ang kapangyarihan ng kanyang utak sa pamamagitan ng kanyang malawak na imahinasyon. Pagdating sa kanyang art ay masasabi na masyado siyang ambisyoso.

2.Emosyonal. Ang cancer ay isinilang na emosyonal. Kahit kung minsan ay hindi  naiintindihan ng ibang tao ang kanyang emosyon ay mananatili pa rin ito sa kanyang damdamin. Hindi mo maaalis sa kanya ang pag-aalala sa ibang tao lalo na sa mga mahal niya sa buhay. Palagi siyang may simpatya sa sinuman na sa tingin niya ay nasa hindi magandang sitwasyon. Lalo na sa mga taong naaagrabyado. Sa lahat ng mga zodiac ay isa siya sa may pinakamalalim na emosyon.

3.Mapagmahal. Kapag nagmahal ang cancer, mahal niya talaga sa tunay na kahulugan ng pagmamahal. Kahit ano ka pa basta’t nakuha mo ang pagtitiwala niya ay mamahalin ka niya sa paraan na kaya niyang ibigay. Malayo man o malapit ang inyong distansya ay ibibigay niya sa’yo ng buo ang kanyang pagmamahal na may kalakip na respeto.

4.Protective. Kaya kang proteksyunan ng cancer sa abot ng kanyang makakaya. Kung kayo ay nasa isang relasyon, asahan mong poprotektahan niya ito laban sa mga nagnanais na sumira rito. Ipaglalaban niya ang sa tingin niya ay tama. Hindi lang siya mapagprotekta sa kanyang mga mahal sa buhay, gayundin sa mga personal niyang kagamitan at interes.

5.May pagkukusa. Ang cancer ay isang tao na maaasahan. Hindi mo na siya kailangang utusan o pakiusapan dahil gagawin na niya ng may kusang loob ang mga dapat niyang gawin. Kaya niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Ang kapangyarihan ng kanyang isip ang nagdidikta sa kanya kung ano ang dapat niyang gawin. Madalas ay nagtitiwala siya sa kanyang intuitions.

6.Matapat. Kung katapatan ang pag-uusapan, maipagmamalaking katangian din ito ng isang cancer. Lalo na kung ang kanyang kapareha ay tapat din sa kanya. Maging sa bawat miyembro ng kanyang pamilya, kamag-anak man o kaibigan ay maaasahan ang kanyang katapatan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here