Positibong Karakter Ng Aries

STRONG PERSONALITY

Ang isang Aries ay may malakas na personalidad na siyang hinahangaan sa kanya. Hindi siya yung tipo ng tao na mauupo lang sa isang tabi at panonoorin ang ganap ng iba. Siya yung tipo ng tao na tatayo at ipapakilala ang kanyang sarili. Ipapakita ang kanyang kakayahan at kung meron mang kumontra ay hindi siya agad mawawalan ng kumpiyansa. Alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay. Kung ano ang gusto niyang mangyari kaya gagawin niya ito step by step. Kaya naman kadalasan ay nagsisilbi siyang inspirasyon sa iba lalo na sa mga tao na kapareha niya ang tinatahak na direksyon. Maganda ang pananaw niya sa buhay sa kabila ng mga paghamong kinakaharap.

EASY TO BE WITH

Kung ikaw ay may kilalang Aries, i-expect mo na,na hindi ka mahihirapan na pakisamahan siya. Kung makikilala mo siya ng husto, siya yung tipo na pwede mong isama kahit saan, yung makakaintindi sa iyong pinagdaraanan. Kaya niyang makisabay sa agos ng buhay o sa kahit na anong klaseng ugali ng tao ang kanyang makakaharap. Pwede mo siyang dalhin sa isang formal party o maski sa isang simpleng party lang. Hindi ka mahihirapan na iharap siya sa kahit na anong uri ng tao class A man o class B.

ADVENTUROUS

Kung adventure naman ang hanap mo, hindi magpapahuli ang Aries dyan. Siya yung tipo ng tao na gustong subukan ang halos lahat ng bagay na sa tingin niya ay makapagbibigay sa kanya ng thrill. Mahilig siyang sumubok ng mga bago sa kanyang paningin at pandinig. Kahit pa may pagka-delikado ito ay walang makakapigil sa kanya. Kaya naman pwede mo siyang tawagin na Jack of many trades. Kapag nakita niyang nakaya ng iba,siya na mismo ang hahamon sa sarili niya na kaya niya rin.

PASSIONATE

Once naman na maging interesado ang Aries sa relasyon man, sa isang bagay o proyekto, asahan mo na, na magiging passionate siya rito. Ibubuhos niya ang kanyang buong atensyon dito at sisiguraduhin niya na almost perfect ang magiging resulta ng lahat. Huwag lamang mawawala ang kanyang interes dahil once na makakita siya ng negativity na may kinalaman dito ay siguradong bibitaw sya at susubok ng panibago.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here