Positibong Karakter Ng Aquarius

275

Latest posts by Madame Yna (see all)

FAITHFUL

Hindi ganoon kadaling paibigin ang isang Aquarius. May pagkamailap siya at hindi siya yung tipo na basta basta papasok sa pakikipagrelasyon kung ang kanyang karelasyon ay hindi niya nakikita sa kanyang hinaharap. Kaya naman once na magdecide na siya na pumasok na sa isang relasyon, asahan mo na ang kanyang faithfulness, kung paanong hindi rin niya gusto na siya ay lokohin. Once na makuha mo ang tiwala niya ay makukuha mo na rin ang loyalty niya sa inyong relasyon. May loyalty din siya pagdating sa kanyang mga kaibigan at kapamilya.

CREATIVE

Hindi siya nakukuntento sa kung ano lang ang nakalapag sa kanyang harapan. Iisip at iisip siya ng paraan kung paano pa ito maiimprove at mapapaganda. Dito umiiral ang kanyang pagiging creative. Paglalaanan talaga niya ito ng oras at pagbubuhusan ng panahon at hindi siya titigil hangga’t hindi siya nasasatisfy sa kanyang nakikita. Marami siyang natatagong ideya, ‘wag mo lamang siyang aabalahin.

INDEPENDENT

Hindi rin siya palaasang tao. Mas gusto niya na tumayo sa sarili niyang mga paa at mabuhay sa sarili niyang mga pamamaraan. Ayaw na ayaw niya yung pakiramdam na umaasa. Hindi siya napapanatag pag ganon. Para sa kanya, may sarili siyang kakayahan na dapat niyang gamitin upang mas higit siyang maging kapaki-pakinabang para sa kanyang sarili at para na rin sa mga mahal niya sa buhay.

HUMANITARIAN

Huwag kang magtaka kung sa kabila ng kanyang kakapusan ay nagagawa pa niyang tumulong sa iba. Ito ay dahil likas sa kanyang pagkatao ang pagiging humanitarian. Pangarap niyang mabuhay sa mundo na walang taong nahihirapan dahil sa gulo, gutom at hindi pagkakaunawaan. Kaya naman asahan mo na hindi mo na siya kailangang kumbinsihin para makisali sa mga charity works at iba pang gawain na may kinalaman sa pagtulong sa mga tao at pagmamahal sa kalikasan. Ibabahagi niya ang anuman na kanyang makakayanan bilang bahagi nito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here