Posible Bang Hindi Matagpuan Ang Soulmate?

0
79

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Posible nga bang hindi matagpuan ng isang tao ang kanyang soulmate? Ang iyong soulmate ay posible na nakatagpo mo na sa iyong naunang buhay at makakatagpo mo pa sa iyong kasalukuyang buhay at muling makakatagpo sa susunod pa. Walang proseso subalit may kasiguruhan na ang landas ninyong dalawa ay mag-uugnay. Hindi maaring hindi. Subalit may posibilidad na kayo ay hindi magkatuluyan.

Gayunpaman, palaging magkokonekta ang inyong mga kaluluwa sa anumang paraan kada buhay na inyong pagdaanan. Walang makapagsasabi kung kailan siya darating sa buhay mo. Maaari mo siyang maipagkamali sa iyong ‘the one’. Yung tao na matatagpuan mo at makapagbibigay sa’yo ng kaligayahan. Pwedeng kayo ng iyong the one ay magpakasal, magkaroon ng mga anak at makabuo ng isang malaking pamilya.

Sa kabila nito, mararamdaman mo na parang may kulang pa sa buhay mo. Yung masaya ka na pero parang may hinahanap ka pa. Dahil hindi siya ang soulmate mo. Ibinigay lang siya sa’yo ng tadhana para makasama mo pero hindi ibig sabihin na siya na ang iyong soulmate.

Pwedeng dumating sa buhay mo ang iyong soulmate na ikaw ay pag-aari na ng iba. Kaya kayong dalawa ay hindi na pwede. Subalit kapag kasama mo siya ay mararamdaman mo na tila nakukumpleto ka. Dahil siya ang iyong soulmate. Pwede rin naman kayong maging masaya kung pananatilihin nyo na lang ang pagiging magkaibigan. O pwede nyo ring layuan ang isa’t-isa. Subalit hindi nyo mababago ang tadhana na kayo ay soulmates at kasama roong hindi mababago ang inyong damdamin para sa isa’t-isa. Bagamat magiging masaya ka o inlab sa iba, mararamdaman mo na mas deep and strong ang koneksyon ninyong dalawa.

Siya ay maaaring dumating sa kalagitnaan ng iyong buhay at maaari rin naman kung kailan malapit ka na sa wakas. Maaaring siya ay kasama mo na, hindi mo lamang napapansin subalit ang katotohanan ay nasa paligid mo lang siya at nasa paligid ka niya. Magkalayo man kayo ay muli’t muli kayong ibabalik ng tadhana sa isa’t-isa kahit pa hindi siya ang iyong kapareha. Mananatili siyang bahagi ng iyong buhay sa ayaw mo man at sa gusto at anuman ang maging hadlang sa pagitan nyo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here