Porn sites, dahilan kaya dumarami ang rape victims

“Kinse anyos, ni-rape ang 2 nakababatang kapatid.” 

Nang mabasa ko ito sa online tabloid, hindi ko naiwasan ang sobrang manggilalas. Hindi kasi kapani-paniwala ang balitang iyon. Ngunit, totoo. Ilang beses kong binasa ang artikulo. Talaga ngang nagawang halayin ng binatilyo ang mga kapatid dahil sa panonood ng x-rated. Marahil, nakaramdam siya ng sobrang init sa kanyang katawan at gusto niyang maranasan iyong nararamdaman ng mga lalaki na nakikipagtalik sa babae. Ngunit, dahil wala naman siyang girlfriend, ang mga kapatid niyang babae ang kanyang napagbalingan.

Sa pag-usad ng panahon, sadyang marami ng pagbabago ang nangyayari sa ating kapaligiran. Noong 80’s ang mga musmos ay walang kaalam-alam sa makamundong pagnanasa. Mas gusto nila ang maglaro nang maglaro. Mas gusto nilang makipaghabulan kaysa magkulong sa kuwarto at maglaro ng kung anu-anong gadgets o manood ng anumang palabas. At dati, mga cartoons lamang ang pinanonood ng mga kabataan.

Noong bata ako, kapag sumasapit na ang hapon, ang mga palabas ay puro mga pambata. Bagamat karamihan ay aksyon, puro pakikipaglaban naman ang tema at ang layunin nito maipagtanggol ang kanilang kapwa at buong mundo. Samantalang ngayon, ang karaniwang palabas sa hapon ay puro drama na tumatalakay sa pagnanasa at pag-ibig. At dahil nga ang mga magulang ay karaniwan ngang laging nasa trabaho, hindi na nila nababantayan at nagagabayan ang kanilang anak.

Sino nga ba ang naiiwan sa mga bata? Kung laki sila sa lolo at lola, maaaring magagabayan pa sila dahil nga, ibig din ng mga magulang o biyenan mo na maging mabuting bata ang kanilang mga apo. Kung sa yaya lamang sila naiiwan, sa palagay mo ba ay magagawa silang madisiplina ng husto. Siyempre hindi. Sigurado kasing sila ay mapapagalitan mo pa kapag nalaman mong kinagalitan nila ang iyong anak, gumawa man ito ng mali o hindi. Para sa mga tagapagbantay, ang responsibilidad lang nila sa’yong anak ay mapakain ito at tiyakin na hindi masasaktan.

Kaya kung makikita ng mga tagapagbantay na magkukulong na sa kuwarto ang kanyang mga inaalagaan, wala siyang pakialam doon. Mas gusto nga niya iyon dahil mas marami siyang magagawang trabaho o kaya naman ay makakapag-text siya at makakapag-FB. At, maaari ring ang pag-u-online ang ginagawa ng kanyang mga inaalagaan.

Sa panahon ngayon, ang paggamit ng social media sites ang pinakamakapangyarihang impluwensiya sa mga kabataan. Dahil kasi rito ay nagagawa natin makipag-communicate sa ating pamilya, kaibigan, mga kakilala at pati na rin sa mga estranghero. Nagagawa rin nating bisitahin ang iba’t ibang site kaya naman kahit na ‘bawal’ ang site na iyon sa minor kung wala namang magagabay sa kanya ay magagawa pa rin niya iyong i-click.

Napakadali naman kasing lusutan ang tanong kung ilang taon ka na nga ba. Ang kailangan mo lang gawin ay i-adjust ang taon ng iyong kapanganakan. Ibig sabihin, kahit na anong edad mo, mapapakasok mo pa rin ang mga porn sites kung gugustuhin mo.

Alam na alam naman natin na ang mga kabataan ay madaling madala o mahikayat. Kapag nakita nila ang isang bagay, inaakala nila na masarap talaga iyon kaya naman nagkakainteres talaga silang tikman ang mga bagay na hindi pa maaari kaya naman nakakagawa sila ng kasamaan at iyon nga ay ang manghalay.

Ito ang sinabi ng kinse anyos na si Joel, nagawa niyang pagsamantalahan ang mga magkapatid dahil sa panonood niya ng porn sites. Masama ang ginawa ni Joel at dapat siyang maparusahan ngunit hindi siya maaaring ikulong dahil sa menor de edad lang siya.

Ano nga ba ang dapat gawin para hindi na dumami pa ang tulad ni Joel? 

Ang paggabay ng magulang ay kailangan para hindi maligaw ng landas ang mga kabataan. Makabubuti kung bibigyan ng mga magulang ng panahon ang kanilang anak para makausap niya ito, mapangaralan at makakuwentuhan. Kung minsan kasi, dahil sa subsob ang mga magulang sa kanilang trabaho ay nawawalan na sila ng oras sa kanilang anak. Hayun, tuloy, hindi nila namamalayan na napapariwara na ang buhay ng kanilang mga anak.

Mga magulang, huwag kayong makampante kung nasa loob lang ng tahanan ang inyong mga anak. Kung minsan, hindi na rin ligtas kahit pa nasa bahay lang. Dahil kahit mga gadgets lamang ang kanilang tangan, maaari pa rin silang mapariwara.

Kanino nga bang kasalanan at dumarami ang mga napapariwara? 

Sa mga magulang? — Kung napapabayaan man nila ang kanilang mga anak, baka naman kasi dahil kailangan nilang kumita ng husto para magkaroon sila ng magandang buhay. Sa mahal ng mga bilihin, baka naman kapusin sila kapag hindi sila nag overtime.

Sa mga gumagawa ng porn sites?Naku, tiyak na marami ang magsasabi na sila ang may kasalanan kung bakit dumarami ang krimen ng panghahalay. Masama kasi talagang impluwensiya sa isipan ng mga kabataan ang porn sites na ito. Ngunit, dahil nga sa gusto nilang kumita ay kinakailangan nilang mag-isip ng sites kung saan magkakamal sila ng limpak-limpak na salapi at alam nilang ang paggawa ng ganitong kahalayan ay ang the best na paraan para kumita ng husto.

Sa mga kabataan? Kahit naman mga bata pa lang sila ay alam na nila ang tama at mali kaya, bakit pa gagawa pa sila ng kamalian? Talaga bang wala silang pakialam sa damdamin ng kanilang kapwa? Talaga bang ang importante lang sa kanila ay ang masiyahan? Balewala na ba talaga sa kanila ang iyak na naririnig nila buhay sa taong nilalapastangan nila.

O sa Gobyerno?Ang tungkulin ng Pamahalaan ay tiyakin ang kaayusan sa kanilang bansa. Kaya, bakit hindi nila magawang i-monitor ang mga lumalabas sa online? Bakit hindi nila magawang i-banned sa Pilipinas ang paggawa ng mga ganitong palabas. Sabi nga kung may gusto ay may paraan, nagagawa nga ng mga programmer natin na i-banned ang mga virus sa program, bakit ang pagpapalabas ng ganitong sites na alam naman natin na labis na makaaapekto sa isip ng ating kabataan, hindi nila gawin?

Bawal ang Porn — ito ang babalang madalas kong mabasa kapag nagri-rent ako sa computer shop. Oo, sinusunod nga ng marami iyon, kung hindi mahuhuli. Kaya lang kapag mayroon kang sariling tablet, laptop o computer, siguradong wala ng bawal, bawal. Kung ganoon, talagang dapat na ipagbawal sa nasimulan at iyon nga sa mga taong dahilan kung bakit maraming porn sites na naglipana.

Hindi ba kasi maaaring ipagpalagay na ang paggawa ng porn sites ay isang krimen? Hindi man ang owner nito, programmer o actors ang dahilan kung bakit marami ang nari-rape pero bahagi pa rin sila noon tapos hindi sila mapaparusahan sa pagpapalaganap nila ng kasamaan.

Hay naku, talaga! Eh, ikaw, ibig mo bang mapahamak ang iyong anak dahil sa malalaswang palabas na ito?

Source:

http://www.remate.ph/2015/10/mag-ate-pinagparausan-ng-kuyat-ama/

4 COMMENTS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here