Pitong Mahahalagang Elemento ng Relasyon

0
271

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Sa pakikipagrelasyon may mahahalagang elemento na hindi dapat mawala kung nais mo ng isang healthy relationship. Kapag ang isa rito ay nawala na sa inyong pagsasama maaaring kayo ay dumaan sa mga pagsubok. Ang pitong pangunahing elemento na kailangang kailangan bilang pundasyon ng isang relasyon ay ang mga sumusunod.

1.Pagmamahalan. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay pumapasok sa isang relasyon. Pagmamahal. Nakakaramdam tayo ng pagmamahal sa isa’t-isa. Ang dalawang tao na nagmamahalan ay sumusugal sa isang pag-ibig na bago sa kanilang karanasan. Kahit hindi nila alam kung ano ang maaaring patunguhan nito ay susubok sila dahil sa pagmamahal na kanilang nararamdaman. At dapat lang na palagi nilang maaalala kung bakit nila minamahal ang isa’t-isa.

2.Pagkakaunawaan. Kapag mahal mo ang isang tao, dapat lang na nauunawaan mo ang kanyang kalakasan at kahinaan. At ganoon din siya sa’yo. Kung may pagkukulang man ang bawat isa, ito ay dapat na iniintindi at hinahanapan ng solusyon.

3.Respeto. Dumarating talaga ang mga pagkakataon na meron kayong hindi napagkakaunawaan. Hindi ito maiiwasan. Sa kabila nito, ang respeto ay hindi dapat mawala. Kung may mgapagkakaiba kayo sa inyong paniniwala o hindi nagkakatugma ang inyong mga gusto sa ilang usapin, ito ay dapat respetuhin ng isa’t-isa.

4.Tiwala. Ika nga kapag tiwala ang nawala ay mahirap na itong ibalik. Ito ay ikinukumpara sa isang nabasag na babasagin na mahirap nang buuin. Totoo ito. Mahirap na magtiwala muli lalo na kung labis ang sakit na idinulot nito sa’yo. Kaya naman ang tiwala sa pakikipagrelasyon ay dapat pakaingatan kahit pa everyone deserves a second chance.

5.Katapatan. Bago ka magdemand ng tiwala sa iyong kapareha, dapat ay taglay mo muna ang katapatan. Sa iyong sarili, sa kanya at sa inyong relasyon. Hindi mabubuo ang tiwala kung sa umpisa pa lang ay hindi ka na magiging tapat. Dapat wala kang itinatago at dapat ay kilala mo rin ng lubos ang iyong kapareha.

6.Komunikasyon. Mahalaga ang komunikasyon sa isang relasyon. Mahirap magpakiramdaman. Kadalasan ay dito nag-uugat ang hindi pagkakaunawaan kapag walang komunikasyon. Mainam na palagi kayong nag-uusap tungkol sa mga bagay bagay at kung sakali man na may problema ay agad itong masosolusyunan.

7.Teamwork. Sa hirap at ginhawa dapat ang dalawang magkapareha ay kumikilos na parang isang team. Nagtutulungan, nagkakapalitan ng opinyon at nagbibigayan ng mga ideya na makakatulong sa kanila. Hindi dapat paiiralin ang pagkakanya-kanya o pagiging makasarili. Dapat ay palaging nagkakaisa. Kapag walang teamwork ang isang relasyon, para itong bangka na isa lang ang sagwan. “

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here