Pitong Benepisyo Mula sa Paglalakbay

May mga taong hindi mahilig sa pagta-travel. Sila yung mga tao na nasanay na kung saan sila nakatira o kung ano ang paligid nila ay doon na lamang umiikot ang kanilang mundo. Meron din namang makakati ang paa na gustong-gusto ang paglalakbay. Hindi naman natin sila masisisi dahil ang paglalakbay ay hindi lang basta paglalakwatsa. Maraming benepisyo ang makukuha natin mula rito.

1.Sa paglalakbay natin sa iba’t-ibang lugar ay lumalawak ang ating kaalaman sa iba’t-ibang lengguwahe. Napapabuti ang ating pakikipagkomunikasyon mula sa simpleng pagtatanong hanggang sa mahabang  pakikipagkuwentuhan.

  1. Nalalaman natin ang mga bagay na hindi pa natin alam tungkol sa isang pamayanan. Ang mga gawi nila, mga pananamit at mga kaugalian. Nakaka-excite ang bahaging ito kung saan ay natutuklasan natin ang kanilang mga natatagong kakayahan.
  2. Kapag naglalakbay ka ay nagkakaroon ka ng sense of creativity. Nakakapagbuo ang isip mo ng mga bagay tulad ng arts at lumalawak din ang iyong imagination.
  3. Isa sa pinakamagandang benepisyo ng paglalakbay ay ang pagkakaroon mo ng mga bagong kaibigan. Mula sa iba’t-ibang lugar na napupuntahan mo ay napakalaki ng posibilidad na makakilala ka ng mga tao na posible mong maging kaibigan. Yung mga tao na tatatak sa puso mo dahil sa maikling panahon ng inyong pagkakaugnay.
  4. Natututo tayong humarap sa mga sitwasyon na hindi natin inaasahan. Kapag kasi nagtatravel ka ay may mga pagkakataon na haharap ka sa problema na mag-isa. Tulad halimbawa kung masiraan ka ng sasakyan, magkagulo sa lugar na pinuntahan mo o magkaroon ng panganib na wala kang ibang maaasahan kundi ang sarili mo.
  5. Mula rin sa paglalakbay ay nabubuo natin ang tiwala sa ating sarili. Hindi lang basta nabubuo kundi higit pa itong napapabuti sa bawat paglalakbay na ginagawa natin. Hindi lang din tiwala sa sarili ang pinapatibay nito kundi maging ang ating pangangatawan na nagkakaroon ng lakas na maihahambing sa isang pag-eehersisyo.
  6. Sa bawat lugar na ating pinupuntahan at sa bawat tao na nakakasalamuha natin ay lumilikha tayo ng mga alaala. Masasayang alaala na ating babaunin saan man tayo dalhin ng ating tadhana.

Kaya naman ang paglalakbay ay masasabi natin isang napakasayang gawain. Napakaganda ng mundo at dapat lamang na makita natin ang bawat sulok nito. Kung wala tayong kakayahan na maglakbay sa malalayong lugar dahil sa kakulangan ng budget, maaari tayong mag-umpisa sa malalapit na lugar na kaya nating puntahan at doon pa lang ay mararamdaman na natin ang mga benepisyong hatid ng isang paglalakbay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here