Piso Para sa Puri: Pang-aabuso sa bata

2387
pedophile philippines

Julinda Gallego

Juli Gallego is a 19-year-old journalism graduate and aspiring novelist. She is hoping to make a dent in the universe, one story at a time.

Latest posts by Julinda Gallego (see all)

Pang-aabuso sa bata :Tinawag kami ni Teacher Emma papunta sa kusina, at agad naman kaming nagsitakbuhan. Wednesday ngayon, at alam namin na mayroon kaming icecream pagkatapos mag tanghalian. Hindi na nga kami kailangan tawagan ulit ni Teacher Emma eh, kasi paborito naming lahat ang ice cream day. Lalong lalo na ako.

Habang ipinaghahain kami ni Teacher Emma, kukwentuhan muna kita. Sampung buwan na akong nakatira dito. Dati, nakatira ako kasama si Mama, pero sikat na ata syang artista ngayon kaya ipinaalaga niya muna ako dito.  Nakita ko nga sya sa TV pagkarating ko dito, eh. Naaalala ko, TV patrol yung palabas at ang galing galing niya umarte. Nakakapaniwala talaga yung pag-iyak niya! Sabi niya okay lang daw ang cybercrime kasi wala namang ‘physical contact’ kaya hindi naman naaabuso yung bata. Natandaan ko talaga bawat salita, kasi madiin niya itong sinabi gaya kapag pinipilit niya akong gawin yung mga bagay na ayaw ko gawin. May sasabihin pa sana si Mama, kaso hindi ko na narinig. Dumating na kasi si Teacher Emma at pinatay ang TV at sinabihan ako na makipaglaro nalang sa iba pang mga bata na nandito.

(Bawat taon, kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga batang nasasangkot sa cybersex sa Pilipinas. Ayon sa Philippine National Police Cybercrime Group (PNP-ACG) umabot na sa 136 ang kaso ng cybersex sa bansa mula sa 51 noong 2013 at 87 noong 2014.)

Hindi ako dati close sa ibang mga bata, pero ngayon best friends na kami at laging magkakasama. Ako nga pala si Candy, at artista din ako. Yun ang tawag sakin ni Mama – ang maganda niyang artista. Lagi ako umaarte dati sa bahay, at meron din akong mga photo shoots! Minsan, nagsusuoot ako ng magagandang damit at hinahayaan ako ni Mama maglaro at mangulit, pero mas madalas na wala akong suot habang ginagawa ko yung mga tinuro niya saakin. Kapag umaarte ako, masaya at mabait si Mama sakin. Pinapayagan niya din ako isulat yung pangalan ko sa likod nung mga picture bago niya isend sa mga kaibigan niya. Sikat nga ata ako eh, kasi maraming pera ang binabayad ng mga kaibigan ni Mama para makita ako at makatanggap ng picture ko. Naririnig ko nga si Mama habang nakikipag-usap siya sa mga kaibigan niya. Hindi sya pumapayag na mas mababa sa 25 dollars ang bayad para mapanuod ako. Ngayong naiisip ko, parang hindi naman masyado mataas ang 25 dollars. Sabi ni Dr. Jen sakin sa mga counselling namin, priceless daw ako. Parang mas maganda yung priceless kaysa sa 25 dollars di ba?

(Umaabot ng $2 hanggang $200 ang bayad sa bawat cybersex show. Malaking pera na ito sa isang bansa na kumikita lamang ng $2 kada araw. Karamihan ng mga cybercrime ay ginagawa lamang sa bahay at pinatatakbo ng mga magulang ng biktima. Sa ilang mga lugar, naituturing na itong isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga pamilya.)

Ang paborito ko sa lahat ng mga kaibigan ni Mama ay si Tito Allan. Australian siya, at lagi niya ako binibigyan ng magagandang damit para sa photoshoots ko. Madalas, gusto niya ako maka-usap habang sinusukat at minomodel ko yung mga bigay niya, pero minsan pasasayawin niya ako o kaya naman ay maglalaro kami. Madali lang yung laro namin, mag-uusap lang kami tapos maghuhubad ako at gagayahin yung mga ginagawa niya sa camera. Kapag natuwa sakin si Tito Allan, magpapadala siya ng maraming pera kay Mama at bibigyan niya ako ng marami pang damit. Tinanong niya din kung pwede niya ako bisitahin para makapaglaro kami ng personal, pero sabi ni Mama papayag lang daw siya kapag nagbayad agad si Tito Allan ng talent fee ko. Gusto ko talaga si Tito Allan kasi mabait siya, di gaya nung ibang mga kaibigan ni Mama na tinititigan lang ako habang umaarte.

(Isa sa mga pangunahing dahilan sa pag pasok ng bansa sa industriya ng cybersex ay ang laganap na paggamit ng wikang Ingles, na kinakailangan upang makipag-usap sa mga kliyenteng dayuhan. Isa pang dahilan ang madaling access sa internet. Karamihan ng mga sex dens ay binubuo lamang ng laptop at isang router.)

Piso Para sa Puri:  Pang-aabuso sa bata
Australian, David kay Timoteo Deakin, naaresto sa Pilipinas para sa pedophilia

Pero nung tinanong ko si Teacher Emma kung pwede namin bisitahin si Tito Allan, sabi niya hindi ko na raw pwede makita si Tito at yung iba pang mga kaibigan ni Mama. Sabi ni Teacher, nasa kulungan na daw yung mga Pinoy na kaibigan ni Mama, kasi nilabag nila ang Anti-Child Pornography Act of 2009’s declaration, na mas pinagtibay ng Cybercrime Prevention Act of 2012 o Republic Act No. 10175. Hindi ko naintindihan kung ano man iyon, pero sabi ni Teacher yun daw ang pumuprotekta sa mga batang kagaya ko laban sa pagsasamantala at iba pang pag-aabuso na cyber-related.

Nalaman ko din na may mga masasama pala na ginawa yung mga kaibigan ni Mama, kaya paparusahan sila ng batas. Pwede daw sila makulong ng panghabangbuhay at magbayad ng multa na aabot sa 100,000 hanggang 2 milyong piso. Isa pa, yung mga foreigner daw na kaibigan ni Mama ay idi-deport pabalik sa mga bansa nila at di na papayagang makabalik dito sa Pilipinas.

(Sa kabila ng pagkakaroon ng Cybercrime Prevention Act of 2012, ito ay napakahirap ipatupad. Sa katunayan, dalawa pa lamang ang napapatunayang nagkasala sa ganitong klaseng krimen dito sa Pilipinas. Ang iba pang mga kaso ay nakabinbin pa rin hanggang ngayon.)

Ay, oo nga pala! Hindi ko pa napakilala ng maayos si Teacher Emma. Siya nga pala ang teacher namin dito sa Department of Social Welfare Development (DSWD). Nang dumating ako dito, pinangako niya saakin na sisiguraduhin niya na ang aking recovery, rehabilitation, and reintegration pabalik sa lipunan ay magiging maayos at bibigyan nila ako ng maayos na tirahan, counselling, tulong na medikal, kabuhayan, at edukasyon. Sa ngayon, tinupad niya naman lahat ng pangako niya. Sobra pa nga, eh. Hindi lang siya maganda at matalino, napakabait din niya. Sabi ni Teacher Emma, hindi niya hahayaan na makalapit ulit sakin yung mga masasamang loob at tutulungan niya akong magkaroon ng bagong simula dito. Gustong gusto ko nga si Teacher kasi mas mabait siya kaysa kay Mama at di niya ako pinapagalitan kapag ayaw ko na mag laro.

Bukod kay Teacher Emma, gusto ko din si Dr. Jen. Child psychiatrist daw ang tawag sa kanya, at nag-uusap kami tuwing Wednesday para sa counselling ko. Sa nakalipas na mga buwan, marami na siyang naituro saakin. Sabi niya, dapat daw ay lagi ko lang suot ang mga damit ko. Tinuruan niya din ako ng tamang paglalaro na iba sa mga tinuro saakin ni Mama. Sobrang bait ni Dr. Jen kaya naman masaya ako kapag nag-uusap kaming dalawa.

(Ang cybersex ay nagdudulot rin ng sikolohikal na pinsala sa biktima gaya sa mga kaso ng pisikal na pang-aabuso. Maraming pinagsamantalahan na bata ay nagkakaroon ng depresyon at anxiety, at nahihirapang bumuo ng relasyon sa iba pang mga tao. Nagdudulot rin ito ng paggamit sa pinagbabawal na gamot sa maagang edad.)

Hindi pa ako binibisita ni Mama mula nang tumira ako dito at hindi din ako pinapayagan na bisitahin siya, pero ayos lang. Kung ako lang ang magdedesisyon, ayaw ko nang umalis pa dito. Mas maganda dito kaysa sa pagiging artista. Dito kasi, ka edad ko ang mga kalaro ko at masaya yung mga laro namin. Saka nakakapag-aral ako. Hindi kasi ako pinapayagan mag-aral ni Mama noong magkasama pa kami. Paborito kong subject ang Math. Kapahon lang, natuto akong mag-add at binigyan pa ako ng star dahil na-perfect ko ang exam! Unang beses yun nangyari. Pinalakpakan pa ako ng mga classmates ko at tuwang tuwa si Teacher Emma saakin.

Ay, tapos na pala si Teacher Emma maghain. Kakain na muna ako ha? Mamaya nalang tayo magkwentuhan, gusto ko na rin kasi kumain ng ice cream! Mamaya ulit!

Nagmamahal,

Candy

Mga artikulo sa karagdagang bata pang-aabuso

Written by Julinda Gallego

Juli Gallego is a 19-year-old journalism graduate and aspiring novelist. 
She is hoping to make a dent in the universe, one story at a time.

 

This article is based on the news communication: (Tagalog version-  http://news.abs-cbn.com/nation/regions/04/28/16/cops-arrest-mom-who-used-own-daughters-for-child-porn

Sources:

http://www.gmanetwork.com/news/news/nation/552124/pnp-number-of-children-falling-victim-to-cybersex-crimes-on-the-rise/story/)

https://www.theguardian.com/world/2016/may/31/live-streaming-child-sex-abuse-family-business-philippines)

https://www.theguardian.com/world/2016/may/31/live-streaming-child-sex-abuse-family-business-philippines)

https://www.theguardian.com/world/2016/may/31/live-streaming-child-sex-abuse-family-business-philippines)

http://www.dw.com/en/the-philippines-booming-cybersex-industry/a-19026632)

 

2 COMMENTS

  1. One of the issues the government should keep an eye on, and the Filipinos should be critical about. Good article.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here