Pisces Monthly Horoscope (Okt. 2020 )

162

Pera

Sa buwan na ito, ay dapat mo’ng bantayan ang karaniwa’ng paggasta ng pera. Sa simula pa lang ng buwan na ito, ay huwag hayaan ang sarili na gumasta ng pera sa mga wala’ng kabuluha’ng bagay. Ang pinaka-una mo’ng dapat gawin ay bayaran ang mga dapat bayaran bago mo bilhan ang sarili ng kahit ano. At kapag mayroo’ng maganda’ng oportunidad na darating sa landas mo ay sunggaban mo ito agad at subuka’ng pagbutihin ang tungkol sa pananalapi.

Kalusugan

Upang manatili’ng malusog sa buwan na ito, o gusto mo’ng maging mabuti ang kalagayan ng kalusugan mo ay bigyan ng pansin ang pagda-diet at ang pag-eehersisyo. Iwasan ang mga pagkain na mabibigat lalo’ng-lalo na sà gabi dahil maaari ito’ng maging dahilan sa pagkakaroon mo ng gastric o digestive problems at ito’y magiging dahilan na hindi ka makatulog ng maayos. Magkakaroon ka ng insomnia kapag hindi mo sinunod ang payo na ito.

Trabaho

Kung nagtatrabaho ka sa buwan na ito, ang pagpapabuti ng sitwasyon mo ay nakadepende sa kung ano ang gusto mo’ng gagawin. Kung susundin mo ang dati’ng kaugalian ay piliin mo ang manatili sa ligtas na panig, dahil maaari’ng mawawalan ka ng gana at mawawala ka sa gusto mo’ng gawin sa buhay mo. Sunggaban mo ang astral conjunction na pabor sa professional life mo upang makapagpatuloy ka sa mga ginagawa mo hanggang sa magtagumpay ka. Huwag ng maghabol na makilala ka, pagtuonan mo lang ng pansin ang mga proyekto mo at sa banda’ng huli ay magkakaroon ito ng maganda’ng resulta. ©PhilippineOne.com  2020

Payo’ng Astrolohiya

Sa buwan na ito ay dapat mo’ng unahin ang pagpapabuti at paggamit sa mga kalidad mo katulad ng pakikisama sa kapwa, sa mga atensyon mo sa lahat ng detalye at ang pagdidisiplina sa sarili. Kailangan mo ang mga kalidad na ito upang makamit ang mga layunin sa buhay mo.

Pag-ibig

Kung masyado ka’ng malapit at nagtitiwala sa isa’ng tao, ay ibig sabihin nito ay may kakayahan ito upang saktan ka ng lubos. Ang lahat ng mga ginagawa nito ay magkakaroon ng epekto sa iyo. Gayon pa man, ay bibigyan ka nito ng rason upang maging mas mapalapit pa dito. Kung mayroo’ng masakit na pakiramdam ay mayroon di’ng kaligayahan. I-enjoy mo lang ang kaligayaha’ng nadarama mo at kalimutan ang mga masasakit na karanasan

Compatible Signs: Cancer, Sagittarius

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here