Pinoy Recipe; SISIG

Mga Sangkap;

1.2 kilo ng ulo ng baboy

2.2 kutsarang mantika

3.2 kutsarang tinadtad na bawang

4.1/2 tasa ng tinadtad na sibuyas

5.1 kutsara ng durog na paminta

6.1/4 na tasa ng tinadtad na siling pula

7.1/4 na tasa ng tinadtad na inihaw na atay

8.1 tasa ng sukang puti

9.1 kutsara ng liquid seasoning

10.1/2 na piraso ng beef bouillon cube

11.Patis, toyo o asin na panimpla ayon sa iyong panlasa

12.Siling labuyo ayon sa iyong panlasa

13. 3 kutsara ng Mayonnaise

14.1/2 cup of butter or margarine

15.egg (optional)

Paraan ng Pagluluto;

1.Pakuluan ang ulo ng baboy hanggang sa ito ay lumambot. Mga 30 minuto higit pa.

2.Kapag ito ay malambot na,maaari mo na itong ihawin o iprito depende sa kung ano ang bet mong gawin, ang mag-ihaw o magprito.

3. Matapos mo itong ihawin ay saka mo ito hiwain ng pakuwadrado. Katamtaman lamang ang liit.

4.Pagkatapos nito ay igisa sa margarine or butter ang mga sangkap na bawang, sibuyas, atay at hiniwang baboy. Maghintay ng mga sampung minuto.

5.Ihalo na ang mga condiments. Haluin itong mabuti hanggang sa maging pantay ang pagkakalagay nito.

6.Matapos ito ay maaari mo ng ilagay ang mayonnaise.

7.Ang pinakahuling ilalagay mo ay ang toppings na itlog. Mas sasarap pa ito kung pipigaan mo muna ng lemon o calamansi.

8. Sa wakas ay maihahain mo na rin ang iyong sisig na dapat mong ilagay sa serving plate habang ito ay mainit pa.

Ang SISIG ay naging tradisyon na sa kusina ng Pampanga. Ito ay unang nabanggit sa diksyonaryo ng Kapampangan noong 17th century na ang kahulugan ay “ To snack on something sour” at “salad”. Hindi lamang ito sa Pampanga umariba kundi maging sa iba’t-ibang panig ng bansa ay marami ang nagkagusto sa dito. Paborito rin itong ihain bilang pulutan sa mga inuman. Dahil sa maraming nagkakagusto sa lasa nito kaya naman ang sisig ay nagkaroon na rin ng iba’t-ibang version sa bawat lugar. “

SHARE
Previous articlePamahiin;SINOK
Next articleHerbal; URAY
Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here