PINATUNAYAN NG SIYENSIYA, MGA ASO NAKAKAKITA NG MGA MULTO AT IBA PANG ELEMENTO!

180

Nagtataka ka ba kung bakit minsan ay kumakahol ang alaga mong aso kahit wala namang tinatahulan?

Nakakakita ng multo ang mga aso!

 Ang paniniwalang ito ay nag-ugat sa Greece. Ayon sa alamat, may kakayahan ang mga aso na makita ang presensiya ni Hecate na Diyosa ng Kadiliman at Lagim.

 Sa Pilipinas, pinaniniwalaan na ang pag-alulong ng aso sa hatinggabi ay nagpapahiwatig na may nakikita itong ibang nilalang.

Ngunit ang pamahiing ito ay tila may katotohanan.

 Sa isinagawang scientific experiment, napatunayan na ang mga mata ng aso ay may kapasidad na makakita ng spectrum o liwanag na hindi visible sa mata ng karaniwang tao, tulad halimbawa ng signal, electromagnetic waves, at energy sa paligid.

Ayon sa paranormal study, ang mga multo at espiritu ay nasa anyo ng energy. May kakayahan ang mga aso na maka-perceive ng negative energy sa paligid.

 Ang energy ay isang spectrum na kayang makita ng isang aso. Maaaring ito rin ang minsang tinatahulan ng ating mga alaga, at hindi lamang multo. Tulad ng mga pusa, ang aso ay mga territorial animal o labis na nagpapahalaga sa kaniyang “lugar” o teritoryo.

 Anumang enerhiya na hindi welcome sa kaniyang teritoryo ay itataboy ng aso. Samakatuwid, ang mga aso ay detector ng negative energy. Kapag napansin mo na ang iyong alagang aso ay tila iretable sa isang lugar sa inyong bahay, o laging may inaangilan o tinatahulan sa isang spot kahit walang ibang tao, senyales ito na may negative energy na nananahan sa iyong tahanan.

Makatutulong ang paglalagay ng isang mangkok ng asin sa spot na iyon; o ang pagsisindi ng Sage incense upang ma-neutralize ang enerhiya sa paligid.

SHARE
Previous articleOnline Horoscope ni Maestro Honorio Ong Enero 20, 2020
Next articleChinese Horoscope; Enero 20
Author/Psychic/Photographer/Blogger

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here