‘Pinatulan’ng tiyahin dahil sa pera

0
39

Jhen Dechilla

My name is Jhen Dechilla, a single mother and one-time OFW but I now choose to stay in the Philippines to be with my daughter.

Latest posts by Jhen Dechilla (see all)

Mga katsismosa, magagawa mo ba talagang magustuhan ang kadugo mo? Pasensiya ka na kung sakaling nandiri ka sa tanong ko. Siyempre naman, hindi mo maaaring magustuhan ang kamag-anak mo, gaano man siya kaganda o kaguwapo. Alam mo naman kasing hindi kayo maaaring magkagustuhan kaya sasabihin mo pa sa’yong sarili na kalokohan lang na ipagpatuloy mo pa ang nararamdaman mo sa kanya. Siyempre, bawal ‘yan sa mata ng mga tao.  

Ngunit, sa palagay ko, ang tama at mali ay wala na sa isipan ni Solomon basta ang mahalaga sa kanya ay mailabas na ang damdamin na kaytagal na niyang pinipigilan. Ayon nga kay Solomon, bata pa lamang siya ay crush na niya ang tiyahin. Talaga naman kasing maganda at seksi ang kanyang tiyahin. Kaya para hindi na niya maisip pa ang nararamdaman niya sa kanyang tiyahin ay minabuti na lamang niyang mangibang bansa. Nagtrabaho siya bilang technician.  

Matapos ang dalawang taon, sabi niya sa kanyang sarili, kung anuman ang naramdaman niya noon sa kanyang tiyahin, siguradong wala na ngayon kaya naglakas loob na siyang bumalik sa Alua, Nueva Ecija. Kaya lang, ang naramdaman niya sa tiyahin niya noon ay biglang bumalik ng makita niya ito. Kahit pa sabihing nasa early 40’s na ito ay hindi pa rin nawawala ang kagandahan nito.  

Kaya naman ng manghingi ito ng tulong sa kanya hindi siya nagdalawang isip na tulungan ito. Kaya nga lang, iyon din ang nakita niyang paraan para magawa niyang maibsan ang panggigigil niya rito. Para maisalba ang sampung taong gulang nitong anak sa dengue, ginusto niyang humiling ng sex dito. Nakita niyang matinding pagkabigla sa mukha ng kanyang tiyahin ngunit sabi niya sa sarili, kailangan niyang panindigan ang kanyang sinabi.  

Dahil nga sa mahal ng tiyahin niya ang kanyang pinsan, pumayag ito. Akala niya oras na mailabas na niya ang init na kanyang nararamdaman ay maglalaho na ang damdamin niya para sa tiyahin ngunit nagkamali siya. Sa katunayan nga, mas hinanap pa niya ito. Ibig sanang umiwas ng tiyahin sa kanya pero hindi niya iyon pinayagan.  

Kahit naman ilang taon ang tanda ng tiyahin niya sa kanya nakita niya ang takot sa mga mata nito. Marahil, hindi makapaniwala na magagawa niya itong pagnasaan. Gayunpaman, walang dahilan hindi nito ituloy ang kanilang kasunduan. May mangyayari sa kanila kapag pinahiram niya ito ng pera at iyon nga ang nangyari.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here