Pinakamalaking joke ng taon: Jover Laurio Isa sa mga Filipinos Of the year ng Inquirer

0
34

Razel Resula

Proud OTAKU,PNUan,Mindanaoan,& Soldier of God. I love to write dogmatic and audacious thingsbut is a dewy-eyed Don Quixote in real life.

Naging laman na naman ng usap-usapan ng mga netizen ang isa sa mga kritiko ng Pangulong Duterte na si Jover Laurio o mas kilala sa Internet world bilang si Pinoy Ako Blog. Mula ng maupo sa pwesto ang Pangulo ay mabilis na nagsulputan ang mga kritiko at kalaban ng Pangulo at isa na rito ang anti-Duterte blogger na si Laurio.

Matatandaang unknown o hindi kilala ang may-ari ng facebook page at blogsite na Pinoy Ako Blog ngunit dahil na rin sa matiyaga at mabusising pagre-research ng mga pro-Duterte blogger na sina Sass Rogando Sasot (For The Motherland facebook page) at RJ Nieto (Thinking Pinoy), ay nasiwalat ang katauhan ni Laurio.

Dahil dito ay naging laman ng pangungutya at pangmamaliit ang blogger na si Laurio lalo pa at noong hindi pa hantad ang kanyang katauhan ay ganoon rin ang kanyang ginagawa hindi lamang sa mga personalidad na pro-Duterte kung hindi maging sa mga mamamayang Pilipino na bumuto at nananatiling sumusuporta sa Pangulo.

At isang malaking pasabog ang bumulaga sa mga Pilipino ng parangalan ng Philippine Daily Inquirer ang nasabing blogger bilang isa sa mga Filipinos of the Year noong 2017.

“For holding public officials to account for their statements, for proving that the democratic ideal of governance is not mere consent of the governed but informed consent, for insisting on the facts that cast light on the truth, Jover Laurio and other voices against fake news are the Inquirer’s Filipinos of the Year.” Ito ang saad ng Inquirer bilang pagliliwanag sa kung bakit kasali sa kanilang Filipinos of the Year ang naturang blogger.

Dagdag pa nila, “In a year that saw the beginning of a pushback against the organized production and distribution of false information, the blogger Jover Laurio—the lone, once-anonymous, much-abused person behind Pinoy Ako Blog (PAB)—stood out for her patriotic daring, the frequency and freshness of her posts, the dark humor of her blog, and not least, the courage she showed in the face of overwhelming personal abuse.”

Maraming netizens ang nainis at natawa sa sinabi na ito ng news outlet dahil na rin sa katotohanang bago paman maging hantad ang katauhan ng nasabing blogger ay grabe rin ang naging pambu-bully niya sa mga taga-suporta ng Pangulo. Ika nga, nang mahantad sa bayan ang kanyang katauhan ay inani lamang niya ang kanyang mga itinanim.

Hindi naman pinalampas ng mga kakampi ng nasabing blogger ang pagmamayabang sa achievement na ito ni Laurio ngunit hindi rin naman nagpahuli sa paglalabas ng kanilang saloobin ang mga taga-suporta ng Pangulo at ng kanyang administrasyon.

“My reaction is this: I felt sorry for our soldiers. The defenders of Marawi should be declared the Filipinos of the Year. There shouldn’t be any comparison. Our soldiers died for our country. Jover Laurio is part of the propaganda machine of the Liberal Party—she’s part of the 2010 PNoy’s campaign as well as the Roxas’ campaign. This award is simply a kudos for job well done as LP’s propagandist from an LP-aligned paper. 20 Inquirer editors voted for Laurio vs 17 for our soldiers. You think honouring LP’s propagandist over our country’s soldier is a good choice? Ateneo must have taught you the wrong priorities in life…” Ito ang sagot ni Sass Rogando Sasot sa isang banat naman ni Tony La Vina sa kanya sa facebook, hinggil sa pagiging parte ni Laurio sa Filipinos of the Year.

Hindi naman masisisi ng kahit na sino na si Sasot kung ganito ang kanyang maramdaman hinggil sa isyu dahil na rin may punto nga naman siya.

Paanong ang isang tulad ni Laurio ay naging isang Filipino of the Year? Kung tutuusin ay mas nararapat na parangalan na mga totoong tao at bayaning Pilipino gaya na lamang ng ating mga sundalo na buong tapang na nakipaglaban sa Marawi ng mga panahong nilulusab tayo ng mga terorista.

Pero imbes na ganito ang maganap ay mga taong kampi at miyembro ng Partido Liberal ang napasali sa kanilang listahan, gaya na lamang ni Senator Leila De Lima, Ombudsman Conchita Morales at marami pang iba.

Ngunit ang magandang balita lamang ay mulat na ang mga mata ng mga Pilipino at kahit pa siguro paano at gaano kalaking pag-a-uplift nila sa kanilang mga kaalyado upang muli ay bumango ang pangalan sa mga tao ay wala na gaanong maniniwala.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here