Pinakamadaling Paraan Para Makalimutan si Ex

0
231

Geraldine Monzon

Geraldine Monzon; Writer in komiks/pocketbooks/newspaper/indie film
My motto in life is; Be stronger than your excuses. If you can't say it, write it.

Latest posts by Geraldine Monzon (see all)

Hindi madaling maka-move on sa past relationship lalo na kung wala ka pang bago. Hindi naman natin masisisi ang mga taong labis na nagmahal at pagkatapos ay mauuwi lang pala sa break up ang lahat. Ang iba nga ay nag-aattemp pang magpakamatay at meron din talagang nagpapakamatay dahil sa labis na kabiguan. Ito ang nakakalungkot na katotohanan. Pero kung may paraan naman, hindi na dapat pang humantong sa mapait na wakas ang lahat.

Una sa lahat, ang taong broken hearted ay kailangan ng kausap. Mga kapamilya at mga kaibigan na magpapaintindi sa kanya ng kanyang sitwasyon. Kapag inlab ka kasi bulag ka sa katotohanan. Bulag ka sa maraming bagay kaya kakailanganin mo ng mga tao na siyang magiging mata mo para mamulat ka sa katotohanan. Sila ang magpapaunawa sa’yo ng mga bagay na hindi mo naiintindihan sa pagkakataong iyon. Kaya hangga’t maaari ay huwag kang mag-iisa sa panahon na kailangan mo ng kasama. Huwag mo silang itataboy, dahil sila ang magiging tungkod mo para makabangon ka mula sa iyong heartaches. Hayaan mo na alalayan ka nila.

Pangalawa, ito na ang pagkakataon mo na gawin ang lahat ng gusto mong gawin. I-block mo siya, i-delete mo ang number niya at alisin mo na ang mga pictures niya sa phone mo gayundin sa facebook mo at iba mo pang account sa social media. Tapos ay lumabas ka at isipin na ang lahat ng nangyari sa inyo ay panaginip lang at ngayon ay kailangan mo nang gumising at mabuhay sa katotohanan. Magtravel ka. Lumikha ng maraming kaibigan. Hindi kailangan na makipagrelasyon muli o maghanap ng panakip butas. Maniwala ka, kaya mong pasayahin ang sarili mo nang hindi dumedepende sa ibang tao.

Nasa sa’yo ang desisyon kung gusto mo na talagang maka-move on mula sa iyong ex o gusto mo pa na alalahanin siya at ang sakit na idinulot niya sa’yo. Palagi kang may choices. Mahirap man pero may choice ka. At ang pinakamadaling paraan para makalimutan mo ang iyong ex ay ang magdesisyon ka,  PILIIN MO NA KALIMUTAN SIYA.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here