Pilipinas Got Talent Semifinals April 21: Vice Ganda, Disappointed

Sa Pilipinas Got Talent semifinals April 21 ay kitang-kita sa mukha ng mga judges na sina Robin Padilla Angel Locsin at Vice Ganda ang disappointment  sa mga ipinakita ng mga napili nilang kalahok para sa finals. Dahil sa ipinakitang gilas ng mga ito sa kanilang mga naging audition piece ay nag-expect ang mga judges ganoon din ang mga manonood ng higit pang improvement sa kanilang talento. Tulad na lang ni Antonio Bathan Jr. na maraming pinakilig sa mga naging hugot lines niya noon sa pakbet. Lalo na si Vice Ganda na talaga namang tinamaan sa kanyang mga paghugot. Kaya nang sumalang siya kanina ay umasa si Vice na higit pa roon ang ipapakita niya. Gumamit si Antonio ng mga pagkaing pinoy sa kanyang tula na may kinalaman sa pag-ibig. Kasamang nabanggit sa mga pagkaing ito ang siomai, siopao, fishball, kwek kwek at taho. Pero mukhang hindi niya masyadong napabilib ang mga hurado dahil ayon kay Angel, bagamat maganda ang nilalaman ng mga hugot sa tula ay hindi naman niya naramdaman. Ayon naman kay Vice ay luma na ang mga ginamit na punchlines kaya hindi nito nagawang pakiligin sa pagkakataong ito ang madlang pipol ng PGT (Pilipinas Got talent).

Ganoon din ang comment nila kay Rico the magician. Bet na bet ito ni Robin dahil gusto niyang naaaliw rin ang mga bata. Pero ang pagpasok sa loob ng kahon sa asawa ni Rico at pagpapalabas ng ahas mula doon ay hindi na rin bago sa kanilang paningin at eksperyensa. Para kay Vice, ang ginawa naman ng Dancing Fire Warriors ay nakakaaliw pero bitin. Ang Angel Fire naman, ang grupong sinuportahan ng lahat ng judges  na ayon pa kay Vice Ganda ay hindi na sila nagtalo-talo. Ikinumpara ni Vice ang  Angel Fire sa Dancing Fire Warriors. Mas pasabog daw ang pakwitis ng Dancing Fire kaysa sa Angel Fire, pero mas maganda ang ipinakitang dance ng Angel Fire kaysa sa Dancing Fire. Mas buo at klaro daw kaysa sa Dancing Fire Warrior na may istorya pero naguluhan siya. Binigyang diin din ni Vice Ganda na mahala ang tugtog dahil ito ang nakakabuhay ng isang performance.

Bukas April 22, ay muling masasaksihan ang ikaanim na season ng Pilipinas Got Talent semifinals. Abangan naman natin kung ano ang bagong ipapakita ng dalawa pang natitirang kalahok na sina Jonacris Baldillo at Cebeco II Blue Knights sa Pilipinas Got Talents Semifinals.

More TV Reviews

Vice Ganda Bio

More Bios

More Tanong mo Sagot ko

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here