Physical Benefits of Being a Vegan

0
93

Bukod sa mabuting nutrisyon at pag-iwas sa mga sakit ay may makukuha rin tayong pisikal na benepisyo mula sa pagiging vegan. Mga simpleng pisikal na benepisyo na kung minsan ay nababalewala natin subalit napakahalaga nito. Ito ay ang mga sumusunod.

Malusog at Magandang kutis

Ang nuts at Vitamin A and E na makukuha sa pagkain ng gulay ay may malaking ginagampanan para sa ikagaganda ng ating kutis. Kaya naman ang mga tao na nagiging vegan ay gumaganda ang kutis. Nababawasan din ng pagkain ng gulay ang  mga blemishes.

Hindi mabahong amoy ng katawan

Walang tao ang gugustuhin na magkaroon siya ng bad odor at wala ring gugusto na may makatabi na may mabahong amoy. Ang pagkain ng gulay o pagiging isang vegan ay nag-eeliminate ng dairy at red meat mula sa diet. Ito ang dahilan kaya nababawasan ang mabahong amoy na sumisingaw sa ating katawan.

Hindi mabahong hininga

Nararanasan ng vegan ang kabawasan sa hindi magandang amoy ng hininga. Kung ikaw ay isang vegan mararanasan mo na gumising sa umaga ng wala kang morning breath.

Magandang buhok

Maraming vegans na ang nagpatunay na mula ng maging vegan sila ay napansin nila na gumanda at tumibay ang hibla ng kanilang buhok. Hindi na ganoon ka-dry tulad noong kumakain pa sila ng karne at kung anu-ano pang pagkain.

Matibay na mga kuko

Sinasabing sa kuko makikita kung ang isang tao ay malusog ang pangangatawan o may dinadalang sakit. Ang isang vegan ay nagkakaroon ng maganda at matibay na kuko dahil sa nutrients na nakukuha mula sa mga gulay.

Mahabang buhay

Marami ng pag-aaral ang nagsabing ang buhay ng isang vegan o vegetarian ay mas tumatagal ng higit na anim na taon kaysa sa hindi vegan o yung mga mahilig sa karne.

Ilan lang ang mga ito sa mga pisikal na benepisyong maaari nating makuha kung tayo ay magswitch sa pagiging vegan. Mga simpleng pagbabago sa bahagi ng ating katawan na may malaking ginagampanan sa ating buhay.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here