Philippine Airlines President, Lucio “Bong” Tan Jr. Pumanaw Sa Edad Na 53

Namaalam na nga kaninang umaga sa edad na 53 ang anak ng bilyonaryong si Lucio Tan at presidente ng Philippine Airlines na si Lucio “Bong” Tan Jr. Ang kapatid na si Vivienne Tan ang nag-announce na ang kanyang kapatid na si Bong ay yumao na kaninang umaga dahil sa brain herniation.

Ang brain herniation ay ang nakamamatay na side effect ng napakataas na pressure sa loob ng bungo at nangyayari ito kapag ang bahagi ng utak ay na-squeeze sa kabuuan ng structures within the skull. Ilan sa mga sintomas ng brain herniation ay pananakit ng ulo, pagkawala sa concentration, high blood pressure, pagkawala ng pakiramdam, seizures at iba pa.

“It is with deep sorrow that I announce the passing of my brother Lucio “Bong” Tan Jr. this morning, Noveber 11,2019. His untimely passing leaves a big void in our hearts and our group’s management team which would be very hard to fill. Bong was a son,husband, father, friend and most importantly,our elder brother whom we all relied on for advice, counsel, and leadership.”

Ito ang naging madamdaming pahayag ni Viviene sa paglisan ng kanyang kapatid. Si Bong ay sinasabing nagcollapse habang naglalaro ng basketball ang kanyang team sa Mandaluyong City, dalawang araw bago siya bawian ng buhay.

Si Bong ang siyang head coach ng University of the East basketball team na pag-aari rin ng kanilang pamilya. Siya ay ipinasok sa ospital noong sabado at ngayong lunes nga ay tuluyan na siyang namaalam. Bukod sa pagiging presidente at chief operating officer ng PAL Holdings, si Bong ay presidente rin ng Tanduay Distillers Inc. at direktor ng LT Group Inc at Philippine National Bank.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here