PERSONALIDAD NG ISANG TAO, BUKING SA KLASE NG KANIYANG BUHOK!

1252

Ang ating buhok ay siya nating crowning glory.

        Ngunit maliban doon, ang ating buhok ay bahagi ng ating persona. Apektado ng ating mood ang ating buhok. Ito ay coarse o dry kung tayo ay wala sa mood, galit o depress. Malusog naman ito at may volume kung tayo ay masaya at nasa tamang disposisyon.

        Samakatuwid, ang uri ng ating buhok ay makapagsasabi ng ating personalidad!

1.   Wavy hair. Ikaw ang tao na marunong mag-adapt sa mga pangyayari. Alam mo kung paano sumabay sa agos at sumayaw sa tugtog. Malakas ang determinasyon mo sa buhay kaya naman madali para sa iyo na malagpasan ang anumang pagsubok na dumarating.

2.   Curly hair. Isa ka sa mga taong nagtataglay ng mabuting kalooban. Taliwas sa kasabihang ang kulot ay salot, ang mga taong nagtataglay ng natural curly hair ay may malambot na puso, na siyang nagpapakinang lalo sa kaniyang persona. Ngunit, moody ang mga kulot. May panahon na sila ay tinotopak rin.

3.   Straight hair. Mapagkumbaba, ayaw nila na sila ay nasa spotlight. Masaya sila na tumulong kahit walang credit na maibigay sa kanila. Simple at may eclectic taste sa pananamit, pakikipagrelasyon, at pagtugon sa mga problema sa buhay.

Tugma ba ang mga nabanggit sa iyon hair type?

SHARE
Previous articleAng Tunay na Layunin ng Nambabarang
Next articleChinese Horoscope; Pebrero 25
Author/Psychic/Photographer/Blogger

1 COMMENT

  1. Catrina Salaysay

    Tama lahat ang sa akin wavy hair

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here