Perfect Fat Burner Morning Coffee Recipe for Mommylennials

1
547
coffee fat burning recipe in tagalog

Camille Jacinto

Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

Walang alinlangan na sa buong mundo, ang kape ay ang pinakamainam na inumin sa umaga. Ito ay agad na nagpapataas ng inyong enerhiya na naghahanda sa inyo para sa buong araw. Dagdag dito, maganda ito sa inyong kalusugan, katulad ng pinabuting metabolismo, at kapag ininom nangtama, pinoprotektahan nito ang iyong puso.

Ilagay ang tatlong sangkap na ito sa iyong kape. Pagkatapos ng dalawang lagok, liliit na agad ang iyong taba sa tiyan o belly fat at bibilis ang takbo ng iyong metabolismo.

Hindi lahat ng tao ay alam na pwedeng gawing fat burner ang paboritong mong pampagising sa umaga sa pamamagitan lamang ng pagdaragdag ng ilang mga karaniwang sangkap tulad ng langis ng niyog o coconut oil, kanela o cinnamon at honey. Kapag hinalo mo ang mga sangkap na ito sa iyong kape, madaling babagsak ang ilang dagdag na pounds sa katawan mo nang hindi kinakailangang gumawa ng anumang mga pagbabago sa pagkain o lifestyle.

Bakit Napakalakas ng Combination na ito?

  1. CINNAMON – Sobrang daming health benefits ng Cinnamon. May malakas itong anti-inflammatory agent na nagbabawas ng mga prosesong inflammatory sa ating katawan. Sa karagdagan, puno ito ng antioxidants na ibig sabihin, kaya nitong mag-neutralize ng mga negatibong epekto ng free radicals. Binabawasan din nito ang mga blood sugar levels mo sa pamamagitan ng pagpapataas ng blood sugar metabolism ng katawan mo. Sinusuportahan nito ang pag-breakdown ng asukal mo, na ginagawa niyang enerhiya. Iniiwas ng cinnamon ang pag ipon ng taba sa iyong katawan.
  2. COCONUT OIL – Ito ay isang regalo galing sa ating kalikasan na may mahabang listahan ng health benefits sa atin. Meron itong medium-chain fatty acids na pinapadala agad ng ating digestive system sa ating atay. Kapag hindi ito naging enerhiya, nagiging keton bodies ito, ibig sabihin, hindi ito na-so-store bilang taba. Ang pinakamaganda sa coconut oil ay natural nitong sine-set ang metabolism natin sa paraan na bumibilis ang pag-burn ng fats natin sa katawan.
  3. HONEY – Marami man itong asukal, pero itong natural na asukal na ito ay dumedepende sa enerhiya. Ang honey ay sagana din sa mga importanteng minerals katulad ng sodium, iron, zinc, calcium, potassium and phosphorus. Ang honey ay mayroon ding niacin, folate, vitamin C, riboflavin at vitamin B6. Napatunayan na sa mga studies na kaya nitong i-regulate ang blood cholesterol levels at bawasan ang stress ng isang tao.

Ano ang recipe?

½ cup of honey

¾ cup of coconut oil

1 tsp. cinnamon

1 tsp. of cocoa (optional)

Ano ang gagawin?

Haluin lahat para maging paste ito at ilagay sa isang glass jar. Ilagay rin ito sa refrigerator upang manatiling malamig at para hindi mabulok agad.

Kapag magkakape ka sa umaga, maglagay ka ng 1-2 teaspoons ng paste na ito sa freshly brewed coffee sa umaga. Haluin ng mabuti at i-enjoy ang iyong morning fat-burning cup of coffee!

More Dear Maria

More K-Pop

More Movie Reviews

More Beauty and Health

More Beauty Pageants

More Commentary

More Politics

More OFW

More @nagmamatyag

More Tula

SHARE
Previous articleIsyu 212 : Ang mga estranghero sa panaginip
Next articleChinese Horoscope April 16
Camille Jacinto is a Senior Copywriter and Social Media Manager for a Christian events company which is funding a church in Sampaloc Manila. She took up Master of Arts in Communication at the University of Santo Tomas. Her long time dream is fulfilled because she is now using her gift of writing to make Jesus known to people, one family at a time.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here