Pera sa patay at napulot na barya mabisang lucky charm?

Kayo ba ay nakapulot ng barya sa daan, yong pong nakatihaya nakaharap ang tao sa inyo? ay damputin po ninyo dahil tiyak na ito ay magbibigay sa inyo ng swerte, ngunit kung ito ay nakataob ibig sabigin ibig ang nasa iyong harapan ay wag itong damputin, maari mo itong  baliktarin upang ang susunod na makapulot at ang nagbaliktad na ikaw yon ay parehong kayong sweswertihin ganun din po ang dapt na gawin kahit ito ay perang papel.

Ngunit kapag isang libo naman naman aba po damputin mo agad ay yan ay maliwanag pa sa sikat ng araw na iyan ay swerte.

Ang sabi po kasi kapag ang barya ay nalalag ng may ari nito at nais na mapulot sila ng ibang tao ay siya ay nakatihaya ibig daw pong sabihin nito ay nais niyang ibahagi sa iba ang swerteng kanyang dala, ngunit kung nakataob ay nais naman nitong ilipat sa iba ang kaakibat niyang kamalasan, Ang barya na napulot na nakatihaya ay ilagay sa inyong wallet lagyan ito ng palatandaan at wag na wag gagastusin. |

Kung kayo naman ay nakasakay sa kotse jeep o taxi at may nakasalubong kayong ililiping na patay, maghagi kayo ng barya sa sabihin bibigyan mo ako ng maraming swerte, o di kaya naman ay dalhin muna ang lahat ng kamalasan na aking nararanasan.

Pera sa Patay.

Ang perang pinakaunang abuloy sa namatay ay wag na wag itong gagastusin sa kung ano- anu sa halip sa gamitin mo ito sa inyong negosyo sapagkat ito ay magbibigay sa iyo ng malaking swerte.Gawin po lamang ay balutin ito sa pulang tela lagyan ng isang kurot ng asin at saka mo ito bulungan, IKAW ANG MAGSISILBI KUNG LAKI CHARM, BIBIGYAN MO AKO NG SANG KATOTAK NG SWERTE SA AKING NEGOSYO AT PANANALAPI.

Sundin po ninyo ito at tiyak na dadating sayo ang katakot takot ng swerte.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here