PDEA, dapat nang kumilos sa loob barangay

PDEA, dapat nang kumilos sa loob barangay

TAMA ang pahayag ng PDEA na hindi gumagana at hindi epektibo ang anti-drug council na nakabase sa 42,000 barangay. 

Malaki ang tama ng PDEA. Kaya, dapat bigyan ng super laking red big cheque, este, CHECK pala.  

Hindi ito epektibo sapagkat iresponsable mismo ang PDEA. Kilos-kilos din kasi. Baka naman bangungutin ng gising kung tutulog-tulog.  

PDEA lamang ang maaring magpakilos sa 42,000 barangay anti-drug council—wala nang iba pa. Wow, mga bossing talaga. 

Paano ito pakikilusin ng LGU kung ang mga mayor, konsehal at barangay captain at sangkot din sa illegal drugs.  

Kung hindi sangkot ang LGUs, maaari silang patayin ng mga sindikato na kinabibilangan din ng ilang kawatan at mismong mga pulis. 

Ang problema ay kung na-infiltrate din ng sindikato maging ang PDEA dahil kung magkagayun—talagang inutil ang lahat ng ahensiya laban sa illegal drugs. Eh, bakit nga kaya? Ako naman po’y nagtatanong lang. 

Dapat ay direkta at regular ang ugnayan ng PDEA at 42,000 anti-drug council. Simple lang pala, bakit di magawa? 

Pwede nang lampas an dito ang LGU executives sa siyudad at munisipalidad dahil maaaring sila rin ang nagbibigay ng proteksiyon. 

Ang budget ng PDEA ay dapat gamitin sa “intel operations” at pago-organisa, pagkuha ng datos at aktuwal na pagmamamanman sa mga drug personalities. 

Araw-araw dapat ang pagsusumite ng “progress report” kung nakapasok sa teritoryo ng bawat barangay ang mga drug pusher. 

Walang ganyang sistema ang PDEA—na tanging ahensiya na naatasang mamuno at manguna sa lahat ng aktibidad laban sa ipinagbabawal na gamot. 

Dapat ay hawak ng PDEA ang listahan ng mga drug personalities sa buong barangay—at mamarkahan ito ng istatus o sitwasyon—kung sino-sino ang nagbago, gumagamit, gumon o kumokunsinte sa illegal drugs. 

Ganyan lang kasimple, pero hindi magawa ng PDEA. 

Ang pondo ay hindi isyu—sapagkat  problema yan ng lahat—utak at diskarte ang kailangan, hindi pondo. Mayroon ba niyan ang PDEA?

SHARE
Previous articleBABALA: Child Kidnappers, Talamak Nanaman
Next articleThe Good Son mga character
DANILO C. AMBROCIO, kilala rin bilang Ka Ambo, may tatlong dekada sa larangan ng pamamahayag at may 10 taon sa serbisyo-publiko bilang public official.Aktibong publisher, editor, columnist at writer sa limang pangunahing pahayagan kung saan aabot sa mahigit isang milyon ang sumusubaybay araw-araw sa kanyang mga artikulo sa magkakaibang topic at larangan.Nagsimula sa pagiging reporter bago naging chief proofreader, sports editor, editor-in-chief at publisher. Nagtapos ng Human Development and Community Management Scholarship grant sa ilalim ng UP-DAP-MHS at graduate sa kursong Bachelor in Public Administration sa Pamantasan ng Lunsod ng Maynila (PLM) na bilang topnotcher sa graduating class.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here