PBA Commissioner’s Cup Finals Game 3: KaTropa panalo kontra Beermen, 115-105

Best Player RR Pogoy (PBA Facebook page photo)

PUKPUKAN ang naging laban sa Game 3 ng 2019 Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner’s Cup Finals Best-of-Seven, kung saan nakuha ng TNT KaTropa ang isang lamang, 2-1 kontra sa San Miguel Beermen.

Tinalo ng KaTropa ang Beermen sa score na 115-105, na ginanap noong Biyernes ng gabi, Agosto 9, sa Smart Araneta Coliseum. Best Player of the Game si RR Pogoy na nagtala ng 29 points, 8 rebounds and 5/9 3PT. 

Samantala, matapos ang ejected sa first overtime ng Game 2 ni Terrence Jones, bumawi naman ito sa Game 3, na pinangunahan ang TNT na nagtala ng 37 points, 18 rebounds, 9 assists, at 5 blocks.

Malaki rin ang naiambag ng mga KaTropa na sina Don Trollano na nagtala ng 18 points, Jayson Castro, 14 pts., at Troy Rosario, 13 points.

Scores: 


TNT 115 – Jones 37, Pogoy 29, Trollano 18, Castro 14, Rosario 13, Heruela 4, Washington 0, Golla 0, Taha 0, Carey 0, D. Semerad 0, Casino 0, Magat 0.

San Miguel 105 – McCullough 27, Fajardo 27, Romeo 13, Pessumal 12, Santos 10, Standhardinger 8, Ross 5, Cabagnot 3, Rosser 0.

Quarterscores: 18-33, 55-50, 86-78, 115-105

Gaganapin ang Game 4 sa Sunday, 6:30PM, August 11, (Big Dome)  Smart Araneta Coliseum.

Game 5, Wednesday, August 14, 7:00PM, Smart Araneta Coliseum.

Game 6, Friday, August 16, 7:00PM, Smart Araneta Coliseum.

Game 7, Sunday, August 18, 6:30PM, Smart Araneta Coliseum.