PBA Commissioner’s Cup Finals Game 2: SMB, wagi sa double overtime, 127-125

TABLA na sa 1-1 ang San Miguel Beermen at TnT Katropa sa Game 2 ng 2019 PBA Commissioner’s Cup Finals best-of-seven series na ginanap noong Miyerkules ng gabi, Agosto 7, sa Smart Araneta Coliseum.

Best player of the game si Terrence Romeo na nagtala ng 29 points, 4 rebounds, at 2 assists. Maganda ang naging laban ng Beermen at Katropa kung saan dalawang beses nag-overtime, sa unang OT nagtala ng 106-106, habang ang ikalawang overtime ay 114-114.

Puspusan na ang hangarin ng Beermen na manalo na nakalalamang na dahil sa ejection ni Terrence Jones, na napatawan ng ikalawang technical foul sa unang overtime, habang sa second overtime naman ay nakakuha ng six fouls si Troy Rosario at tuluyang tinapos ng SMB ang laro sa score na 127-125.

Asahan na ang matinding bakbakan sa Game 3 ng Beermen at Katropa na gaganapin sa Biyernes, Agosto 9, alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Scores: San Miguel 127 – McCullough 32, Romeo 29, Ross 25, Cabagnot 19, Fajardo 12, Standhardinger 7, Pessumal 2, Santos 1, Rosser 0.

TNT 125 – Rosario 34, Jones 28, Castro 27, Pogoy 17, Trollano 14, Heruela 5, Washington 0, Taha 0.

Quarterscores: 32-25, 59-45, 84-77, 106-106, 114-114, 127-125. Game schedule:

Game 4, Sunday, August 11, 6:30PM, Smart Araneta Coliseum.

Game 5, Wednesday, August 14, 7:00PM, Smart Araneta Coliseum.

Game 6, Friday, August 16, 7:00PM, Smart Araneta Coliseum.

Game 7, Sunday, August 18, 6:30PM, Smart Araneta Coliseum.