PBA Commissioner’s Cup Finals: Beermen, KaTropa tabla sa 2-2

MAAKSYONG tagpo sa Game 4 ng PBA Commissioner’s Cup Finals na nagwagi ang San Miguel Beermen, kontra TNT KaTropa sa score na 106-101. (Photo courtesy by LEO LACA)

TINALO ng San Miguel Beermen ang TNT KaTropa sa Game 4 ng best-of-seven PBA Commissioner’s Cup finals, 106-101.
Dinala ni Chris McCullough ang Beermen na nagtala ng 27 points at 22 rebounds, habang nag-ambag sina Alex Cabagnot ng 25 points at June Mar Fajardo ng 22 points.

Bago ang laro na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Linggo ng gabi, Agosto11, pinarangalang Best Import si Terrence Jones at si Jayson Castro ay kinilalang Gatorade Best Player of the Conference.

Si Jones ay nakapagtala ng statistical points (548), media votes (477), players (79), at PBA Commissioner’s Office votes (150) at tumanggap ng Best Import award na may total na 1,254 votes.
Ang former first round pick ng Houston Rockets noong 2012 NBA draft ay tinalo si Justine Brownlee (882) ng Barangay Ginebra at Chris McCullough (729) ng San Miguel.

Samantalang si Castro ay nakapagtala ng 1,077 points, media (458) at sa PBA Commissioner’s Office (150) votes, players’ votes (76) at statistical points (393).

Naging second placer si five-time MVP June Mar Fajardo (762) at 3rd placer si rookie Bobby Ray Parks (576).

Si Castro, ay tumanggap ng P50,000 prize mula sa Gatorade.

Scores:
San Miguel 106 – McCullough 27, Cabagnot 25, Fajardo 22, Pessumal 14, Ross 7, Standhardinger 5, Romeo 4, Santos 2.

TNT 101 – Jones 32, Rosario 24, Castro 17, Trollano 16, Pogoy 9, Heruela 3, Casino 0, Magat 0, Carey 0.

Quarterscores: 31-22, 51-52, 82-69, 106-101.

Siguradong dikdikan ang laban sa Game 5, sa Miyerkules, Agosto 14, 7:00 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum, kung saan nauwi na sa Best-of-Three ang laban.

Game 6, Friday, August 16, 7:00PM, Smart Araneta Coliseum.

Game 7, Sunday, August 18, 6:30PM, Smart Araneta Coliseum.