PBA Commissioner’s Cup Finals: Beermen, isa na lang kampeon na

Chris McCullough: Best Player of the Game (PBA Facebook page photo)

ISANG panalo na lang at makukuha na ng San Miguel Beermen ang kampeonato ng 2019 PBA Commissioner’s Cup finals.
Sa Game 5, noong Miyerkules (Agosto 14), tinalo ng Beermen ang KaTropa sa score na 99-94, kung saan Best Player of the Game si Chris McCullough na nagtala ng 35 points, 22 rebounds, 4 assists, at 3 blocks.

Habang si Terrence Romeo ay nagtala ng 22 points, si June Mar Fajardo ay mayroong 16 points at Von Pessumal ay 9 points. 
Sa Biyernes (Agosto16), maghaharap sa Game 6 ang Beermen at KaTropa na gaganapin sa Big Dome, kung mananalo ang SMB na lamang sa serye 3-2 kontra TNT makukuha ng San Miguel Corporation franchise ang 27 championships nito.

Sa KaTropa, si Terrence Jones ay nagtala ng 35 points, 17 rebounds, 8 assists, at 4 blocks, habang si Jayson Castro ay nag-ambag ng 18 points.

Scores: 

San Miguel 99 – McCullough 35, Romeo 22, Fajardo 16, Pessumal 9, Ross 7, Cabagnot 4, Standhardinger 4, Santos 2.

TNT 94 – Jones 35, Castro 18, Rosario 16, Pogoy 12, Trollano 7, D. Semerad 6, Taha 0, Reyes 0, Heruela 0, Magat 0.

Quarterscores: 22-28, 45-49, 69-80, 99-94.